November 19, 2024

Home BALITA National

3 weather systems, nakaaapekto sa bansa — PAGASA

3 weather systems, nakaaapekto sa bansa — PAGASA
Courtesy: PAGASA/FB

Matapos makalabas ng Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyong Pepito, tatlong weather systems ang kasalukuyang nakaaapekto sa bansa, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Martes, Nobyembre 19.

Sa public weather forecast ng PAGASA kaninang 4:00 ng madaling araw, inaasahang magdadala ang northeasterly surface windflow, o ang hanging galing sa hilaga sa Extreme Northern Luzon, ng maulap na kalangitan ng mga kasamang mga pag-ulan sa Batanes.

Inaasahan namang magdudulot ang easterlies, o ang mainit na hanging nagmumula sa karagatang Pasipiko, ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na mga pag-ulan at thunderstorms sa Caraga at Northern Mindanao. 

Bukod dito, magdudulot din ang easterlies ngtbahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang isolated rainshowers o thunderstorms sa Bicol Region, Eastern Visayas, at Davao Region.

National

Malacañang, hinikayat mga Pinoy na iwasan ang marangyang Pasko

Inaasahan ang maulap na kalangitan na may kalat-kalat na mga pag-ulan at thunderstorms sa Babuyan Islands dulot ng ikatlong weather system na shear line o ang linya kung saan nagtatagpo ang mainit at malamig na hangin.

Medyo maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang isolated rainshowers o thunderstorms din ang inaasahang mararanasan sa Metro Manila at mga natitirang bahagi ng bansa dahil naman sa localized thunderstorms.

Samantala, wala naman na raw direktang epekto sa alinmang bahagi ng bansa ang bagyong Pepito na nakalabas ng PAR nitong Lunes ng tanghali, Nobyembre 18.

MAKI-BALITA: Bagyong Pepito, nakalabas na ng PAR!