November 18, 2024

Home BALITA National

Sara Duterte, muling iginiit na patuloy na gagampanan mandato bilang bise presidente

Sara Duterte, muling iginiit na patuloy na gagampanan mandato bilang bise presidente
Courtesy: VP Sara Duterte/FB

Muling iginiit ni Vice President Sara Duterte na patuloy niyang gagampanan ang kaniyang mandato bilang bise presidente ng bansa, anuman daw ang maging kahihinatnan ng budget ng kaniyang opisina para sa susunod na taon.

Sa isang Facebook post nitong Lunes, Nobyembre 18, nagbahagi si Duterte ng ilang mga larawan ng kaniyang naging pagdalo sa pagdinig ng Senate finance committee noong Nobyembre 13 hinggil sa 2025 proposed budget ng Office of the Vice President (OVP).

“Tulad ng lagi kong sinasabi, ipinapaubaya ko ang budget ng ating Opisina sa pagpapasya ng ating mga mambabatas,” ani Duterte.

“Gayunpaman, patuloy po tayong magtratrabaho at gagampanan ang ating mandato bilang Bise Presidente. Ang Office of the Vice President ay patuloy na maghahatid ng serbisyo sa ating mga kababayan,” dagdag niya.

National

Chavit Singson, di raw pabor kung sakaling pumasok ang ICC sa bansa

Matatandaang sa nasabing pagdinig ay inaprubahan ng komite ang ₱733-million budget ng OVP sa loob ng 10 minuto.

In-adopt ng upper chamber ang rekomendasyon ng House of Representatives dahil hindi raw nagpasa ng mga kinakailangang dokumento ang OVP, kahit ilang beses na silang nakipag-ugnayan sa kanila.

MAKI-BALITA: Budget ng OVP, aprub sa senado; mga senador, nagpa-pic kay VP Sara

Kamakailan lamang nang bawasan ng House of Representatives ang ₱2.037 bilyong proposed budget ng OVP para sa 2025 at ginawa itong ₱733 milyon sa kanilang bersyon ng 2025 General Appropriations Bill (GAB).

KAUGNAY NA BALITA: ALAMIN: Ano ang susunod na pagdadaanan ng proposed budget ng OVP?