January 22, 2025

Home BALITA

Pilipinas, nangamote sa bilang ng scientist na nakapasok sa ASEAN-Stanford list

Pilipinas, nangamote sa bilang ng scientist na nakapasok sa ASEAN-Stanford list
Photo courtesy: Pexels

Tila isa ang Pilipinas sa mga napag-iwanan sa Asya matapos maitala ng National Academy of Science and Technology (NAST PHL) na mayroon lamang kabuoang bilang na 66 scientists ang nakapasok sa 2024 top 2% Scientists in the World.

Batay sa inilabas na listahan ng Stanford University sa California, tanging 66 scientists lamang mula sa Pilipinas ang nakapasok sa 2024 top 2% Scientists in the World kung saan 58 sa mga ito ang Philippine-based scientist at 6 ang nakabase sa ibang bansa. Ayon pa sa naturang unibersidad bagama’t mababa pa rin ang nasabing bilang, mas mataas naman daw ito ngayong taon, kumpara sa naitala noong 2023 na umabot lang sa 50 Filipino scientist sa kanilang listahan. 

Ayon naman sa ulat ng One News, kumpara sa bilang sa karatig bansa ng Pilipinas sa Southeast Asia, lubhang mas marami ang bilang ng scientists na naipasok ng mga ito sa naturang listahan. Tinatayang nasa 1,258 scientists ang mayroon sa Singapore, 769 naman sa Malaysia, 329 sa Thailand, 201 sa Vietnam at 150 sa Indonesia. 

Samantala, kabilang pa rin ang Estados Unidos sa mga bansang may pinakamaraming eksperto pagdating sa Siyensya kung saan mayroon itong tinatayang 71,392 mga eksperto, habang 21,165 naman ang mayroon sa China at 5,608 ang mula sa Japan.

National

Dalawang kabaong na nakahambalang sa NLEX, nagdulot ng trapiko

Matatandaang taong 2018 nang pirmahan at ipasa ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang “Balik Scientist Law,” na naglalayong mahikayat na mapabalik ang Pinoy scientists sa bansa sa pamamagitan ng insentibong maaaring ibigay na suporta ng gobyerno, upang masolusyunan daw ang kakulangan ng mga scientific experts sa bansa.

Kate Garcia