November 18, 2024

Home BALITA National

Pepito, kumikilos pa-northwest sa WPS; Signal #3, nakataas sa 3 lugar sa Luzon

Pepito, kumikilos pa-northwest sa WPS; Signal #3, nakataas sa 3 lugar sa Luzon
Courtesy: PAGASA/FB

Nakataas pa rin sa Signal No. 3 ang tatlong mga Lugar sa Luzon dahil sa Typhoon Pepito na patuloy na kumikilos pa-northwest sa West Philippine Sea (WPS), ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Lunes ng umaga, Nobyembre 18.

Sa tala ng PAGASA kaninang 5:00 ng umaga, huling namataan ang bagyong Pepito 145 kilometro ang layo sa kanluran ng Sinait, Ilocos Sur.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 130 kilometers per hour malapit sa sentro at pagbugsong aabot sa 160 kilometers per hour.

Kumikilos ang bagyo pa-northwest sa bilis na 30 kilometers per hour.

National

Batanes, niyanig ng magnitude 5.2 na lindol; aftershocks, asahan

Dahil dito, itinaas na ang Tropical Cyclone Wind Signal sa mga sumusunod na lugar:

Signal No. 3

Luzon:

Northern at western portions ng Ilocos Sur (Gregorio del Pilar, Magsingal, San Esteban, Banayoyo, Burgos, City of Candon, Santa Lucia, Santiago, San Vicente, Santa Catalina, Lidlidda, Nagbukel, Sinait, Suyo, Sigay, San Ildefonso, Galimuyod, City of Vigan, San Emilio, Cabugao, Caoayan, San Juan, Santa, Bantay, Santo Domingo, Tagudin, Santa Cruz, Santa Maria, Narvacan, Salcedo)

Northwestern portion ng La Union (Luna, Bangar, Balaoan, Bacnotan)

Western portion ng Abra (San Quintin, Langiden, Pidigan, Pilar)

Signal 2

Luzon:

Ilocos Norte

Mga natitirang bahagi ng Ilocos Sur

Mga natitirang bahagi ng La Union

Pangasinan

Mga natitirang bahagi ng Abra

Western portion ng Mountain Province (Besao, Tadian, Sagada, Bauko)

Benguet

Northern portion ng Zambales (Santa Cruz, Candelaria)

Signal No. 1

Luzon:

Apayao

Kalinga

Mga natitirang bahagi ng Mountain Province

Ifugao

Western portion ng Cagayan (Lasam, Santo Niño, Solana, Enrile, Tuao, Piat, Rizal, Allacapan, Ballesteros, Abulug, Pamplona, Claveria, Santa Praxedes, Sanchez-Mira)

Nueva Vizcaya

Northern at central portions ng Nueva Ecija (Bongabon, San Leonardo, Cabanatuan City, Santa Rosa, Jaen, Cuyapo, Talavera, Santo Domingo, Rizal, Zaragoza, Llanera, Guimba, Aliaga, Pantabangan, Science City of Muñoz, General Mamerto Natividad, Carranglan, Quezon, San Jose City, Lupao, Nampicuan, Talugtug, Licab, San Antonio, Palayan City, Laur)

Tarlac

Central portion ng Zambales (Botolan, Iba, Cabangan, Palauig, Masinloc)

Patuloy na kikilos ang bagyong Pepito pa-northwest hanggang west northwest ngayong Lunes sa WPS hanggang sa lalabas ito ng Philippine area of responsibility (PAR) ngayong umaga o mamayang tanghali.

Mas hihina pa raw ang bagyo sa pagkilos nito sa WPS dahil sa “unfavorable environment.”

"This tropical cyclone may become a remnant low by Wednesday (20 November) late evening or Thursday (21 November) early morning over the coast of southern China," saad ng PAGASA.