November 21, 2024

Home BALITA National

Pepito, ibinaba na sa ‘severe tropical storm’ category habang papalabas ng PAR

Pepito, ibinaba na sa ‘severe tropical storm’ category habang papalabas ng PAR
Courtesy: PAGASA/FB

Humina na at ibinaba sa “severe tropical storm” category ang bagyong Pepito habang kumikilos ito sa West Philippine Sea (WPS) papalabas ng Philippine area of responsibility (PAR), ayon sa 11 AM update ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Lunes, Nobyembre 18.

Sa tala ng PAGASA, huling namataan ang Severe Tropical Storm Pepito 270 kilometro ang layo sa kanluran ng Batac, Ilocos Norte.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 110 kilometers per hour malapit sa sentro at pagbugsong aabot sa 135 kilometers per hour.

Kumikilos ang bagyo pa-west northwest sa bilis na 20 kilometers per hour.

National

Tinapyasang budget ng opisina ni VP Sara, ‘di na dapat baguhin – Sen. Risa

Nakataas pa rin naman sa Signal No. 1 ang mga sumusunod na lugar sa Luzon:

- Ilocos Norte

- Ilocos Sur

- La Union

- Western portion ng Pangasinan (Burgos, Dasol, Sual, Mabini, Binmaley, San Fabian, Dagupan City, Lingayen, Labrador, City of Alaminos, Bolinao, Anda, Bani, Agno, Infanta, Bugallon, Mangaldan)

- Western portion ng Abra (Danglas, Bangued, Langiden, La Paz, Pidigan, San Quintin, San Isidro, Pilar, Peñarrubia, Villaviciosa, Lagayan)

Patuloy na kikilos ang bagyong Pepito pa-west northwest sa WPS hanggang sa makalabas ito ng PAR mamayang tanghali o hapon.

Mas hihina pa raw ang bagyo sa pagkilos nito sa WPS dahil sa paparating na northeasterly wind surge na lumilikha ng “unfavorable environment.”