November 18, 2024

Home BALITA National

PBBM, inanunsyong may nasawi sa Camarines Norte dahil kay ‘Pepito’: ‘That’s unfortunate!’

PBBM, inanunsyong may nasawi sa Camarines Norte dahil kay ‘Pepito’: ‘That’s unfortunate!’
Courtesy: Pres. Bongbong Marcos/FB

Kinumpirma ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na may isang indibidwal na nasawi sa Camarines Norte dahil sa hagupit ng bagyong Pepito sa bansa.

Inanunsyo ito ni Marcos sa isang panayam nitong Lunes, Nobyembre 18.

“We’ve been monitoring Pepito all night, and unfortunately, I’m sorry and saddened to report that meron tayong casualty na isa sa Camarines Norte. And you know my feelings about that,” anang pangulo.

“That is unfortunate,” dagdag pa niya.

National

Batanes, niyanig ng magnitude 5.2 na lindol; aftershocks, asahan

Samantala, nagpasalamat naman si Marcos sa mga local government unit (LGU) at mga nag-volunteer para tumulong sa mga nasalanta ng bagyo.

Matatandaang noong Huwebes, Nobyembre 14, nang pumasok sa Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyong Pepito na naging “super typhoon” mula Sabado, Nobyembre 16, hanggang Linggo, Nobyembre 17.

Nag-landfall ang bagyo sa kalupaan ng Panganiban, Catanduanes noong Sabado ng gabi, at maging sa kalupaan ng Dipaculao, Aurora noong Linggo ng hapon.

Pagsapit ng gabi nitong Linggo nang humina ang Pepito at ibinaba sa “typhoon” category.

Inaasahang lalabas ang bagyong Pepito sa PAR ngayong Lunes ng umaga o tanghali.