December 23, 2024

Home BALITA National

Chavit Singson, di raw pabor kung sakaling pumasok ang ICC sa bansa

Chavit Singson, di raw pabor kung sakaling pumasok ang ICC sa bansa
Photo courtesy: Luis Chavit Singson, International Criminal Court/Facebook

Diretsahang inihayag ni senatorial aspirant Luis “Chavit” Singson ang kaniyang tindig hinggil sa usap-usapang pagpasok umano ng International Criminal Court sa bansa, kaugnay pa rin ng imbestigasyon ng war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa ulat ng isang local media outlet nitong Lunes, Nobyembre 18, 2024, iginiit umano ni Singson na hindi rin daw niya kinikilala ang jurisdiction ng ICC at sinabing hindi rin daw dapat ito ang mag-imbestiga sa magiging kaso ng dating Pangulo dulot ng nasabing kampanya kontra droga. 

“I don’t think anything will come out of that. First of all, I do not believe in the ICC,” ani Singson. 

Itinuturing din daw ni Singson na isang insulto para sa Korte Suprema at justice system ng bansa ang panghihimasok umano ng ICC kung sakali mang matuloy ang pag-iimbestiga nito sa bansa.

National

Romina, patuloy na kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

“We have laws here. Are we not capable? Why do we need to import foreigners to sentence people here,” saad ni Singson.

Dagdag pa niya, sa halip na “foreign judges,” mas mainam daw na foreign investors na lang ang papasukin sa bansa.“Let’s invite foreign investors in, not judges from other countries,” giit ni Singson.

Samantala, kamakailan ay nanindigan naman ang Palasyo na handa raw makipag-tulungan ang bansa sa International Criminal Police Organization (INTERPOL) kapag naglabas ito ng red notice para kay FPRRD. 

KAUGNAY NA BALITA: Malacañang, handang makipag-ugnayan sa INTERPOL 'pag naglabas ng red notice kay FPRRD

Matatandaang tahasang sinabi ng dating Pangulo sa kasagsagan ng House Quad Comm hearing noong Nobyembre 13, na handa niya raw isuko ang sarili ICC.

KAUGNAY NA BALITA: PBBM sa pahayag ni FPRRD hinggil sa ICC: ‘If ‘yun ang gusto niya, hindi kami haharang!’