As usual, aktibong-aktibo si Unkabogable Star at "It's Showtime" host Vice Ganda sa panonood ng 73rd Miss Universe 2024 Coronation Night na ginanap sa Mexico na napanood sa A2Z Channel 11 at Kapamilya Channel.
Pinalad na nakapasok sa Top 30 ang kandidata ng Pilipinas na si Chelsea Manalo ng Bulacan kaya nakarampa pa siya sa swimsuit competition.
Pero pagdating sa Top 12, nalaglag na nga si Manalo, at ang itinanghal na Miss Universe 2024 ay si Miss Denmark Victoria Theilvig.
MAKI-BALITA: Chelsea Manalo, pasok sa Top 30 ng 73rd Miss Universe 2024
MAKI-BALITA: Chelsea Manalo, panalo pa rin sa puso ng mga Pilipino
Hindi naman totally uuwing luhaan pabalik sa Pilipinas si Chelsea dahil isa siya sa hinirang na "Miss Universe Continental Queens" batay sa isinagawang press conference ni Miss Universe owner Anne Jakrajutatip.
Sa kauna-unahang pagkakataon, sa kasaysayan ng Miss Universe, si Chelsea ang hinirang bilang "Miss Universe Asia."
MAKI-BALITA: Chelsea Manalo, itinanghal na Miss Universe Asia
Bukod kay Chelsea, ang iba pang bumuo sa “Four Continental Queens” ng Miss Universe ay sina Miss Nigeria bilang Miss Universe Africa and Oceania, Miss Finland bilang Miss Universe Europe and Middle East at Miss Peru bilang Miss Universe Americas.
Mabalik kay Vice Ganda, "inokray" nga ni Meme ang presentations ng coronation night.
Hindi naman nilinaw ng komedyante kung alin sa mga bahagi ng programa ang tinutukoy niya, o sa kabuuan ba.
"Lasing at puyat lang ba ko o talagang ang panget ng presentation nitong #MissUniverse2024 ???" mababasa sa kaniyang X post, bandang 10:58 ng umaga ng Linggo sa Pilipinas, Nobyembre 17.
Nang mga sandaling ito ay naanunsyo na ang pagkalaglag ni Chelsea sa Top 12.
"Thanks Chelsea! Have a safe flyt back home! " anang Unkabogable Star bandang 10:40 ng umaga.
At isa pang ikinalokang X post ni Vice, ay nang magpasaring siyang baka "cooking show" ang laban dahil parang nakasuot daw ng apron si Miss Universe 2018 Catriona Gray na isa sa mga backstage host at commentator ng programa.
"Natatakot ako baka cooking show tong Miss U! Naka apron si Catriona e. #MissUniverse2024," aniya.
Batay naman sa komento ng mga netizen, maraming umagree sa kaniya na kumpara daw sa mga nagdaang programa ng Miss Universe ay tila "malamya" raw ngayon ang lahat, lalo na raw ang disenyo ng entablado.