December 22, 2024

Home BALITA Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito
Photo courtesy: Easter Samar Provincial Information Office, LGU Arteche /Facebook

Kinumpirma ng  Office of Civil Defense-Eastern Visayas na umabot na sa 132,030 mga indibidwal ang lumikas sa naturang rehiyon kasunod ng banta ng pananalasa ng super typhoon Pepito magmula noong Sabado ng gabi, Nobyembre 16, 2024.

Ayon sa ahensya, katumbas umano ng 40,699 pamilya ang lumikas dahil sa naturang bagyo. Iginiit din nito sa kanilang opisyal na Facebook page nitong Linggo, Nobyembre 17, ang umano’y “zero casualty” sa nasabing rehiyon.

Samantala, ayon sa ulat ng Manila Bulletin, nagkakasa na ng tinatayang 100,000 family food packs ang Department of Social Welfare and Development para sa mga pamilyang naaapektuhan ng super typhoon Pepito.

Nasa 11,000 food packs na rin daw ang naipamahagi ng DSWD sa Samar habang 5,000 naman para sa mga residente ng Eastern Samar. 

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

BASAHIN: Pepito, nasa karagatan na sa silangan ng Quezon; 2 lugar sa Luzon, nasa Signal #5

Kate Garcia