Inanunsyo ng Presidential Communications Office (PCO) na nakasalalay na sa local chief executives ng bawat lugar sa bansa kung magkakansela sila ng mga klase o trabaho sa government offices bukas ng Lunes, Nobyembre 18, sa gitna ng pananalasa ng Super Typhoon Pepito.
Sa isang pahayag nitong Linggo, Nobyembre 17, sinabi ng PCO na ang naturang desisyon nila ay matapos ang isinagawang konsultasyon sa mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan at National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
“Upon consultation with the relevant government agencies and the NDRRMC, cancellation of classes and/or suspension of work in government offices is given to the respective local chief executives, taking into consideration the situation in their respective localities,” pahayag ng PCO.
Base sa 5 PM update ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Linggo, nakataas sa Signal No. 5 ang tatlong mga lugar sa Luzon dahil sa Super Typhoon Pepito na kumikilos na pa-northwest sa vicinity ng Quirino.
MAKI-BALITA: Super Typhoon Pepito, nasa Quirino na; Signal #5, nakataas sa 3 lugar sa Luzon
Kaugnay nito, ilang mga lokal na pamahalaan sa bansa na ang nagkansela ng klase para bukas.
MAKI-BALITA: Dahil sa bagyong Pepito: Klase sa ilang mga lugar sa bansa, suspendido sa Nov. 18, 2024