Nakataas sa Signal No. 5 ang tatlong mga lugar sa Luzon dahil sa Super Typhoon Pepito na kumikilos na pa-northwest sa vicinity ng Quirino, ayon sa 5 PM update ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Linggo, Nobyembre 17.
Sa tala ng PAGASA, huling namataan ang Super Typhoon Pepito sa vicinity ng Nagtipunan, Quirino.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 185 kilometers per hour malapit sa sentro at pagbugsong aabot sa 305 kilometers per hour.
Kumikilos ang bagyo pa-northwest sa bilis na 25 kilometers per hour.
Dahil dito, itinaas na ang Tropical Cyclone Wind Signal sa mga sumusunod na lugar:
Signal No. 5
Luzon:
- Central portion ng Aurora (Dipaculao, Baler, Dinalungan, Maria Aurora, Casiguran, San Luis)
- Southern portion ng Quirino (Nagtipunan)
- Southern portion ng Nueva Vizcaya (Alfonso Castañeda, Dupax del Norte, Dupax del Sur, Kasibu, Aritao, Bambang)
Signal No. 4
Luzon:
- Mga natitirang bahagi ng Aurora
- Mga natitirang bahagi ng Nueva Vizcaya
- Mga natitirang bahagi ng Quirino
- Southern portion ng Ifugao (Kiangan, Lamut, Tinoc, Asipulo, Lagawe)
- Benguet
- Southern portion ng Ilocos Sur (Alilem, Sugpon, Suyo, Santa Cruz, Tagudin)
- La Union
- Eastern portion ng Pangasinan (Sison, Tayug, Binalonan, San Manuel, Asingan, San Quintin, Santa Maria, Natividad, San Nicolas, Balungao, Pozorrubio, Laoac, San Jacinto, San Fabian, Manaoag, City of Urdaneta, Rosales, Umingan, Mangaldan, Mapandan, Villasis, Santo Tomas)
- Northern portion ng Nueva Ecija (Gabaldon, Laur, Bongabon, Pantabangan, Rizal, General Mamerto Natividad, Lupao, San Jose City, Llanera, Carranglan, Science City of Muñoz, Talugtug, Cuyapo)
Signal No. 3
Luzon:
- Southern portion ng Isabela (San Agustin, Jones, Echague, San Guillermo, Angadanan, Alicia, San Mateo, Ramon, San Isidro, City of Santiago, Cordon, Dinapigue, Roxas, Aurora, Cabatuan, City of Cauayan, Luna, San Mariano, Benito Soliven, Naguilian, Reina Mercedes, San Manuel, Burgos)
- Mga natitirang bahagi ng Ifugao
- Mountain Province
- Southern portion ng Kalinga (Pasil, Tanudan, Lubuagan, Tinglayan)
- Southern portion ng Abra (Tubo, Luba, Pilar, Villaviciosa, San Isidro, Pidigan, Langiden, San Quintin, Bangued, Manabo, Boliney, Peñarrubia, Bucloc, Sallapadan, Bucay)
- Mga natitirang bahagi ng Ilocos Sur
- Mga natitirang bahagi ng Pangasinan
- Northern at eastern portions ng Tarlac (Paniqui, La Paz, Moncada, City of Tarlac, Gerona, Pura, San Clemente, Santa Ignacia, Victoria, Camiling, Concepcion, Ramos, San Manuel, Anao)
- Mga natitirang bahagi ng Nueva Ecija
- Northern portion ng Bulacan (Doña Remedios Trinidad, San Miguel)
- Northern portion ng Quezon (Infanta, General Nakar) kabilang na ang Polillo Islands
Signal 2
Luzon:
- Metro Manila
- Mga natitirang bahagi ng Isabela
- Southwestern portion ng mainland Cagayan (Enrile, Tuao, Solana, Tuguegarao City, Piat, Rizal)
- Mga natitirang bahagi ng Kalinga
- Southern portion ng Apayao (Conner, Kabugao)
- Mga natitirang bahagi ng Abra
- Ilocos Norte
- Zambales
- Mga natitirang bahagi ng Tarlac
- Northern portion ng Bataan (Orani, Abucay, Hermosa, Samal, Dinalupihan)
- Pampanga
- Mga natitirang bahagi ng Bulacan
- Rizal
- Northeastern portion ng Laguna (Santa Cruz, Pila, Mabitac, Paete, Pagsanjan, Pangil, Santa Maria, Siniloan, Cavinti, Kalayaan, Lumban, Pakil, Famy)
- Central portion ng Quezon (Sampaloc, Mauban, Perez, Real)
Signal No. 1
Luzon:
- Mga natitirang bahagi ng mainland Cagayan
- Mga natitirang bahagi ng Apayao
- Mga natitirang bahagi ng Bataan
- Cavite
- Mga natitirang bahagi ng Laguna
- Batangas
- Mga natitirang bahagi ng Quezon
- Northern portion ng Occidental Mindoro (Abra de Ilog, Paluan) kabilang na ang Lubang Islands
- Northern portion ng Oriental Mindoro (Puerto Galera, San Teodoro, Naujan, Baco, City of Calapan)
- Marinduque
- Camarines Norte
- Northern portion ng Camarines Sur (Libmanan, Tinambac, Siruma, Cabusao, Canaman, Magarao, Calabanga, Bombon, Sipocot, Ragay, Del Gallego, Lupi, Lagonoy, Goa, Garchitorena, Pasacao, Pamplona, Camaligan, Gainza)
Matapos mag-landfall sa vicinity ng Dipaculao, Aurora kaninang 3:20 PM, tatawid ang bagyong Pepito sa northern portion ng Central Luzon at southern portion ng Northern Luzon sa pamamagitan ng upland regions ng Sierra Madre, Caraballo, at Cordillera Central sa pagitan ng tanghali o gabi ngayong Linggo.
Inaasahang lalabas ng kalupaan ng Luzon ang bagyo mamayang gabi o bukas ng Lunes ng madaling araw, Nobyembre 18, kung saan hihina na ito dahil sa land interaction.
Posible naman itong lumabas ng Philippine area of responsibility (PAR) bukas ng umaga o tanghali, ayon sa PAGASA.