Nag-landfall na ang mata ng Super Typhoon Pepito sa kalupaan ng Dipaculao, Aurora nitong Linggo ng hapon, Nobyembre 17, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Base sa update ng PAGASA, tumama ang mata ng bagyong Pepito sa Dipaculao dakong 3:20 ng hapon.
“At 3:20 PM today, the center of the eye of Super Typhoon #PepitoPH made landfall in the vicinity of Dipaculao, Aurora,” saad ng weather bureau.
Maglalabas naman ng susunod na update ang PAGASA hinggil sa lagay ng bagyo mamayang 5:00 ng hapon.