December 22, 2024

Home BALITA National

Sen. Tolentino, binira ang PAGASA; weather forecast dapat madaling maintindihan!

Sen. Tolentino, binira ang PAGASA; weather forecast dapat madaling maintindihan!
Photo courtesy: Francis Tolentino, Dost_pagasa/Facebook

May pahayag si Senate Minority Leader Francis Tolentino tungkol daw sa dapat na pamamaraan ng weather forecasting ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa panayam ng isang local radio show kay Sen. Tolentino noong Sabado, Nobyembre 16, 2024, iginiit niyang dapat daw ay mas simplehan pa ng PAGASA ang pag-aanunsyo nito ng mga paparating na bagyo upang mas maunawaan ng lokal na komunidad ang mga terminong ginagamit nito.

“Weather advisories should be easily understood by ordinary Filipinos, that way we can save lives. These should be simplified and translated to local languages,” ani Sen. Tolentino.

Dagdag pa ng senador, dapat na rin daw iwasan ng ahensya ang paggamit ng “color-coded” rainfall warning at millimeters terminologies dahil ito raw ay hindi umano ito mabilis na naiintindihan ng taumbayan. 

National

Romina, patuloy na kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

“To describe the estimated amount of rainfall, PAGASA should avoid using millimeters or color-coded warnings because these are technical terms that are difficult to understand,” anang senador.

Kaugnay nito, may suhestiyon naman ang senador na magiging halili sa pagbabalita umano ng mga bagyo. 

“We can say, for instance, how many drums of rainwater are forecast to be dumped in an area at a certain time due to the typhoon,” saad ni Sen. Tolentino.

Iminungkahi rin niya na mas mainam daw kung makikipag-ugnayan ang PAGASA sa mga linguistic experts sa University of the Philippines (UP) o kaya naman daw ay mass media at communication experts upang mas maiparating daw sa mga Pilipino ang mga impormasyong madaling maintindihan. 

Samantala, isinusulong din ng senador ang pagkakaisa umano ng bawat lokal na pamahalaan sa mga kagamitan daw na maaaring magamit sa tuwing may kalamidad.“LGUs can share the use of evacuation centers. When one province or cluster of LGUs is severely hit by a calamity, including its evacuation centers, the adjacent province, which was less affected, could share its facilities, and vice versa," giit ng senador.

Kate Garcia