December 23, 2024

Home SHOWBIZ Events

Pampalubag-loob? Catriona Gray, ayaw patahimikin ng pageant fans

Pampalubag-loob? Catriona Gray, ayaw patahimikin ng pageant fans
Photo courtesy: via Senyora (FB)

Muling naging commentator sa naganap na 73rd Miss Universe 2024 si Miss Universe 2018 Catriona Gray na talagang walang mintis sa mga ganitong ganap.

Kahit na hindi nasungkit ang korona at nakapasok lamang sa Top 30, naipanalo pa rin ni Miss Universe Philippines 2024 Chelsea Manalo ang paghanga at paggalang ng mga Pilipino matapos iwagayway ang bandila ng Pilipinas sa nabanggit na pageant.

Nakapasok sa Top 30 si Chelsea sa umpisa ng kompetisyon, hanggang sa nagtuloy-tuloy na sa swimsuit competition. Pero hindi na siya nakapasok sa Top 12.

Sa kaniyang X post ay humingi naman ng paumanhin si Chelsea sa mga Pilipinong nagpakita ng suporta sa laban niya.

Events

Blooms, excited na sa world tour ng BINI sa 2025

Nagpakita rin ng pagsuporta sa kaniya ang iba pang Pinay beauty queens, kagaya na lamang ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.

Sa kabilang banda, nagpahatid pa rin ng pagbati ang mga netizen kay Chelsea na panalong-panalo raw sa kanilang puso.

MAKI-BALITA: Chelsea Manalo, panalo pa rin sa puso ng mga Pilipino

Ang ginawa na lamang ng ilang pageant fans at ni-reshare na lang ulit ang winning moment ni Catriona noong 2018.

Ito na lamang daw ang "pampalubag-loob" na minsang nagkaroon ulit ng Miss Universe ang Pilipinas, pero matapos kasi ang kaniyang reign ay wala nang nakapasok pa sa Top 5.

Isa nga sa mga nag-post nito ay ang online personality na si "Senyora."

"Ah basta! Congratulations Catriona Gray!! Di ka muna magpapahinga! Panalo pa rin," ani Senyora sa kaniyang Facebook post

Pero sa latest press conference matapos ang coronation night, itinanghal na "Miss Universe Asia" si Chelsea, isa sa continental queens na makakatuwang ng Miss Universe 2024 sa pagsasagawa ng kanilang adbokasiya. 

MAKI-BALITA: Chelsea Manalo, itinanghal na Miss Universe Asia

Bukod kay Chelsea, ang iba pang bumuo sa “Four Continental Queens” ng Miss Universe ay sina Miss Nigeria bilang Miss Universe Africa and Oceania, Miss Finland bilang Miss Universe Europe and Middle East at Miss Peru bilang Miss Universe Americas.