November 17, 2024

Home SHOWBIZ Events

Lokal na pamahalaan ng CSJDM kay Chelsea Manalo: 'This is just the beginning'

Lokal na pamahalaan ng CSJDM kay Chelsea Manalo: 'This is just the beginning'
Photo Courtesy: City of San Jose del Monte Public Information Office (FB)

Nagpaabot ng mensahe ang lokal na pamahalaan ng City of San Jose Del Monte, Bulacan para kay Miss Universe Philippines 2024 Chelsea Manalo matapos ang laban nito sa nasabing pageant.

Sa Facebook post ng public information office ng nabanggit na lungsod nitong Linggo, Nobyembre 17, sinabi nila na proud pa rin sila kay Chelsea kahit hindi nito naiuwi ang korona.

“Though we hoped to see the crown on your head, we couldn’t be prouder of your grace, strength, and resilience,” saad ng public information office ng lungsod.

“You represented the Philippines along with the Province of Bulacan with unmatched elegance and heart, leaving a legacy that will inspire generations,” anila

Events

Michelle Dee kay Chelsea Manalo: 'Mahigpit na yakap'

Dagdag pa nila, “Thank you for making us all so proud, Chelsea Manalo—this is just the beginning of your incredible journey! ”

Matatandaang bagama’t nakapasok si Chelsea sa Top 30 ng nasabing pageant, bigo naman siyang nakalusot sa Top 12.

MAKI-BALITA: Chelsea Manalo, nakapasok sa Top 30 ng 73rd Miss Universe 2024

Kaya naman sa isang X post, humingi ng paumanhin si Chelsea sa mga Pilipinong umasa sa kaniya. Ngunit nagpaabot din siya ng pasasalamat sa lahat ng nagpakita ng suporta.

MAKI-BALITA: Chelsea Manalo, humingi ng paumanhin sa Pinoy

Si Chelsea ang pambato ng Bulacan sa nakalipas na “Miss Universe Philippines 2024” noong Mayo sa SM Mall of Asia Arena.

MAKI-BALITA: Bakit 'dark horse' ang bagong Miss Universe PH 2024 na si Chelsea Manalo?