Pinag-iingat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang mga residente sa lalawigan ng Aurora dahil sa potensyal na “dangerous at life-threatening situation” dulot ng bagsik ng Super Typhoon Pepito na inaasahang magla-landfall sa vicinity ng lalawigan.
Base sa 2 PM update ng PAGASA ngayong Linggo, Nobyembre 17, huling namataan ang Super Typhoon Pepito coastal waters ng Baler, Aurora.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 185 kilometers per hour malapit sa sentro at pagbugsong aabot sa 230 kilometers per hour.
Kumikilos ang bagyo pa-northwest sa bilis na 20 kilometers per hour.
Dahil dito, itinaas na ang Tropical Cyclone Wind Signal sa mga sumusunod na lugar:
Signal No. 5
Luzon:
- Central portion ng Aurora (Dipaculao, Baler, Dinalungan, Maria Aurora, Casiguran, San Luis)
- Southern portion ng Quirino (Nagtipunan)
- Southern portion ng Nueva Vizcaya (Alfonso Castañeda)
Signal No. 4
Luzon:
- Mga natitirang bahagi ng Aurora
- Mga natitirang bahagi ng Nueva Vizcaya
- Mga natitirang bahagi ng Quirino
- Southern portion ng Ifugao (Kiangan, Lamut, Tinoc, Asipulo, Lagawe)
- Benguet
- Southern portion ng Ilocos Sur (Alilem, Sugpon, Suyo, Santa Cruz, Tagudin)
- La Union
- Eastern portion ng Pangasinan (Sison, Tayug, Binalonan, San Manuel, Asingan, San Quintin, Santa Maria, Natividad, San Nicolas, Balungao, Pozorrubio, Laoac, San Jacinto, San Fabian, Manaoag, City of Urdaneta, Rosales, Umingan, Mangaldan, Mapandan, Villasis, Santo Tomas)
- Northern portion ng Nueva Ecija (Gabaldon, Laur, Bongabon, Pantabangan, Rizal, General Mamerto Natividad, Lupao, San Jose City, Llanera, Carranglan, Science City of Muñoz, Talugtug, Cuyapo)
- Northern at eastern portion ng Polillo Islands (Panukulan, Burdeos, Patnanungan, at Jomalig)
Signal No. 3
Luzon:
- Southern portion ng Isabela (San Agustin, Jones, Echague, San Guillermo, Angadanan, Alicia, San Mateo, Ramon, San Isidro, City of Santiago, Cordon, Dinapigue, Roxas, San Manuel, Aurora, Cabatuan, City of Cauayan, Luna)
- Mga natitirang bahagi ng Ifugao
- Mountain Province
- Southern portion ng Abra (Tubo, Luba, Pilar, Villaviciosa, San Isidro, Pidigan, Langiden, San Quintin, Bangued, Manabo)
- Mga natitirang bahagi ng Ilocos Sur
- Mga natitirang bahagi ng Pangasinan
- Northern at eastern portions ng Tarlac (Paniqui, La Paz, Moncada, City of Tarlac, Gerona, Pura, San Clemente, Santa Ignacia, Victoria, Camiling, Concepcion, Ramos, San Manuel, Anao)
- Mga natitirang bahagi ng Nueva Ecija
- Northern portion ng Bulacan (Doña Remedios Trinidad, San Miguel)
- Northern portion ng Quezon (Infanta, General Nakar) kabilang na ang natitirang bahagi ng Polillo Islands
Signal 2
Luzon:
- Metro Manila
- Mga natitirang bahagi ng Isabela
- Southwestern portion ng mainland Cagayan (Enrile, Tuao, Solana, Tuguegarao City, Piat, Rizal)
- Kalinga
- Southern portion ng Apayao (Conner, Kabugao)
- Mga natitirang bahagi ng Abra
- Ilocos Norte
- Zambales
- Bataan
- Pampanga
- Mga natitirang bahagi ng Bulacan
- Rizal
- Cavite
- Laguna
- Central at eastern portions ng Quezon (Pitogo, Buenavista, Lucena City, Calauag, Pagbilao, Tiaong, Lopez, Guinayangan, Unisan, General Luna, Plaridel, Quezon, San Antonio, Alabat, Candelaria, Lucban, Sampaloc, Padre Burgos, Sariaya, City of Tayabas, Macalelon, Mauban, Dolores, Perez, Agdangan, Gumaca, Atimonan, Real, Tagkawayan)
- Camarines Norte
- Northwestern portion ng Camarines Sur (Del Gallego, Ragay, Lupi, Sipocot)
Signal No. 1
Luzon:
- Mga natitirang bahagi ng mainland Cagayan
- Mga natitirang bahagi ng Apayao
- Batangas
- Northern portion ng Occidental Mindoro (Abra de Ilog, Paluan) kabilang na ang Lubang Islands
- Northern portion ng Oriental Mindoro (Puerto Galera, San Teodoro, Naujan, Baco, Victoria, Socorro, Pinamalayan, Gloria, Pola, City of Calapan)
- Northwestern portion ng Romblon (Banton, Corcuera, Concepcion)
- Marinduque
- Mga natitirang bahagi ng Quezon
- Mga natitirang bahagi ng Camarines Sur
- Catanduanes
- Albay
- Northern portion ng Sorsogon (Donsol, Pilar, Castilla, City of Sorsogon, Prieto Diaz)
- Burias Island
Base sa forecast track ng PAGASA, inaasahang magla-landfall ang bagyong Pepito sa vicinity ng Aurora sa pagitan ng 2:00 PM at 5:00 PM ngayong Linggo.
Mananatili raw sa “super typhoon” category ang bagyo sa pag-landfall nito, ngunit inaasahan namang hihina sa pagdaan nito sa mainland Luzon.
Bukod dito, inaasahang bahagyang hihina ang bagyo bilang “typhoon” bago ang ikalawang pag-landfall nito.
Posibleng lumabas ng Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyo pagsapit ng bukas ng Lunes ng umaga o tanghali, Nobyembre 18.