November 17, 2024

Home SHOWBIZ Events

Chelsea Manalo, panalo pa rin sa puso ng mga Pilipino

Chelsea Manalo, panalo pa rin sa puso ng mga Pilipino
Photo courtesy: Chelsea Manalo (IG)

Kahit na hindi nasungkit ang korona at nakapasok lamang sa Top 30, naipanalo pa rin ni Miss Universe Philippines 2024 Chelsea Manalo ang paghanga at paggalang ng mga Pilipino matapos iwagayway ang bandila ng Pilipinas sa nabanggit na pageant.

Nakapasok sa Top 30 si Chelsea sa umpisa ng kompetisyon, hanggang sa nagtuloy-tuloy na sa swimsuit competition. Pero hindi na siya nakapasok sa Top 12.

Sa kaniyang X post ay humingi naman ng paumanhin si Chelsea sa mga Pilipinong nagpakita ng suporta sa laban niya.

"I did my best, but my best wasn't good enough. Sorry Philippines. But, thank you all for all the love and support. I wouldn’t be here without any of you,” sey ni Chelsea.

Events

Lokal na pamahalaan ng CSJDM kay Chelsea Manalo: 'This is just the beginning'

Bumuhos naman ang magagandang salita para sa kaniya.

"You are still our Miss Universe, Chelsea!"

"Proud pa rin kami sa iyo."

"The #MissUniverse pageant has unfortunately veered away from its core purpose of celebrating beauty, advocacy, & talent. It's disheartening to see politics overshadow genuine competition. From the beginning, it was evident that factors beyond beauty were influencing the outcome. I'm still proud of you, Queen! You're still our Miss Universe."

"It's ok not to win, you are still the queen in our hearts"

"Maraming Salamat Chelsea!! Kakaproud ka "

"We are so proud of you Chelsea "

"Ang problema kay Chelsea Manalo walang pagkukusa, gusto pa tawagin bago pumunta sa unahan. Next time kahit di tawagin sa Top 12, pumunta pa rin sa harap. Magkusa na lang hindi yung inuutusan pa. Joke lang. Miss Universe ka sa puso namin!"

Nagpakita rin ng pagsuporta sa kaniya ang iba pang Pinay beauty queens, kagaya na lamang ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.

Sa kabilang banda, nagpahatid pa rin ng pagbati ang mga netizen kay Chelsea na panalong-panalo raw sa kanilang puso.