Pinag-iingat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang Northeastern Bicol Region sa 2 PM update nito ngayong Sabado, Nobyembre 16, dahil sa potensyal umanong “life-threatening situation” dulot ng Super Typhoon Pepito na mas lumakas pa.
Sa tala ng PAGASA, huling namataan ang Super Typhoon Pepito 200 kilometro ang layo sa silangan ng Juban, Sorsogon o 180 kilometro ang layo sa east southeast ng Virac, Catanduanes.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 195 kilometers per hour malapit sa sentro at pagbugsong aabot sa 240 kilometers per hour.
Kumikilos ang bagyo pa-west northwest sa bilis na 20 kilometers per hour.
Dahil dito, itinaas na ang Tropical Cyclone Wind Signal sa mga sumusunod na lugar:
Signal No. 5Luzon:
- Catanduanes
Signal No. 4
Luzon:
- Northeastern portion ng Camarines Sur (Garchitorena, Caramoan, Presentacion, Siruma, Tinambac, Goa, Lagonoy, San Jose, Tigaon, Sagñay)
- Northeastern portion ng Albay (City of Tabaco, Tiwi, Malinao, Malilipot, Bacacay, Rapu-Rapu)
Signal No. 3
Luzon:
- Polillo Islands
- Southeastern portion ng mainland Quezon (Calauag, Guinayangan, Tagkawayan, Buenavista)
- Camarines Norte
- Mga natitirang bahagi ng Camarines Sur
- Mga natitirang bahagi ng Albay
- Northern portion ng Sorsogon (Prieto Diaz, City of Sorsogon, Gubat, Barcelona, Castilla, Casiguran, Pilar, Donsol)
Visayas:
- Eastern at central portions ng Northern Samar (Palapag, Laoang, Mapanas, Gamay, Lapinig, Catubig, Pambujan, Las Navas, Biri, Bobon, Catarman, Mondragon, San Roque, Silvino Lobos, Lope de Vega, San Jose)
- Northern portion ng Eastern Samar (San Policarpo, Arteche, Oras, Jipapad)
Signal 2
Luzon:
- Metro Manila
- Southern portion ng Isabela (Dinapigue, Cordon, Ramon, Alicia, City of Cauayan, Angadanan, City of Santiago, San Isidro, Echague, Jones, San Agustin, San Guillermo, San Mariano, Benito Soliven, Naguilian, Palanan)
- Quirino
- Nueva Vizcaya
- Eastern portion ng Pangasinan (San Nicolas, Umingan, Natividad, San Quintin, Tayug, Santa Maria, Rosales, Balungao, San Manuel, Villasis, Malasiqui, Bautista, Mapandan, Binalonan, Alcala, Asingan, Santo Tomas, City of Urdaneta, Laoac, Manaoag, Bayambang, Santa Barbara)
- Aurora
- Nueva Ecija
- Bulacan
- Tarlac
- Pampanga
- Southern portion ng Zambales (Botolan, Cabangan, San Marcelino, San Felipe, San Narciso, San Antonio, Castillejos, Subic, Olongapo City)
- Bataan
- Rizal
- Mga natitirang bahagi ng Quezon
- Laguna
- Cavite
- Marinduque
- Burias Island
- Ticao Island
Visayas:
- Central portion ng Eastern Samar (Dolores, Maslog, Can-Avid, Taft, Sulat, San Julian, City of Borongan)
- Northern portion ng Samar (Matuguinao, Calbayog City, Santa Margarita, San Jorge, San Jose de Buan, Tarangnan, Motiong, Gandara, Jiabong, City of Catbalogan, Paranas, Hinabangan, San Sebastian, Pagsanghan)
- Mga natitirang bahagi ng Northern Samar
Signal No. 1
Luzon:
- Mainland Cagayan
- Mga natitirang bahagi ng Isabela
- Apayao
- Kalinga
- Abra
- Mountain Province
- Ifugao
- Benguet
- Ilocos Norte
- Ilocos Sur
- La Union
- Mga natitirang bahagi ng Pangasinan
- Mga natitirang bahagi ng Zambales
- Batangas
- Northern portion ng Occidental Mindoro (Sablayan, Santa Cruz, Mamburao, Abra de Ilog, Paluan) kabilang na ang Lubang Islands
- Northern portion ng Oriental Mindoro (Puerto Galera, San Teodoro, Naujan, Baco, Victoria, Socorro, Pinamalayan, Bansud, Gloria, Pola, City of Calapan, Bongabong, Roxas, Mansalay)
- Romblon
- Mga natitirang bahagi ng Masbate
Visayas:
- Mga natitirang bahagi ng Eastern Samar
- Mga natitirang bahagi ng Samar
- Biliran
- Northern at central portions ng Leyte (Tunga, Pastrana, San Miguel, Matag-Ob, Tolosa, Palo, Calubian, Leyte, Mayorga, Julita, Carigara, Babatngon, Dagami, Jaro, San Isidro, Santa Fe, Albuera, Villaba, La Paz, Palompon, Macarthur, Tabontabon, Tanauan, Merida, Ormoc City, Isabel, Dulag, Capoocan, Alangalang, Burauen, Tabango, Tacloban City, Kananga, Barugo, Abuyog, Javier, City of Baybay, Mahaplag)
- Northeastern portion ng Southern Leyte (Silago)
- Northernmost portion ng Cebu (Daanbantayan, Medellin) kabilang na ang Bantayan Islands
- Northernmost portion ng Iloilo (Carles)
Mindanao
- Northern portion ng Dinagat Islands (Loreto, Tubajon)
Base sa forecast track ng PAGASA, posibleng mag-landfall ang bagyong Pepito sa vicinity ng Catanduanes bukas mamayang gabi o bukas ng Linggo ng madaling araw, Nobyembre 17.
Ngunit dahil daw sa limits ng forecast confidence cone, hindi inaalis ang posibilidad ng landfall scenario sa eastern coast ng Camarines Sur o Albay sa kaparehong time frame (kapag kumilos ito nang bahagya pa-timog sa forecast track), o kaya naman ay sa eastern coast ng Quezon o Aurora bukas ng tanghali o gabi.
Paparating na raw ang “peak intensity” ng bagyong Pepito, habang sa mga susunod na oras ay maaaring manatili ang lakas nito o bahagyang humina.
Inaasahang lalabas ng Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyo pagsapit ng Lunes, Nobyembre 18.