November 16, 2024

Home BALITA National

‘Siya unang dadalhin doon eh!’ FPRRD, mas dapat maghanda sa ICC – VP Sara

‘Siya unang dadalhin doon eh!’ FPRRD, mas dapat maghanda sa ICC – VP Sara
(Photo courtesy: House of Representatives via MB)

Ipinahayag ni Vice President Sara Duterte na ang kaniyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte ang dapat maghanda sa International Criminal Court (ICC) hinggil sa war on drugs dahil ito umano ang “unang dadalhin doon.”

Sa isang panayam nitong Biyernes, Nobyembre 15, hiningian si VP Sara ng komento hinggil sa naging pahayag ni FPRRD sa pagdinig ng House Quad Committee noong Miyerkules, Nobyembre 13, kung saan sinabi nitong dapat umanong magmadali na ang ICC sa pag-imbestiga sa war on drugs ng kaniyang administrasyon.

MAKI-BALITA: Ex-Pres. Duterte sa ICC: 'Start the investigation tomorrow!'

“It’s best to be answered by the lawyers. Meron din akong lawyer sa ICC. But hindi kami nagkausap kasi after noong hearing. So, hindi ko alam kung anong way forward nitong ICC,” sagot ng bise presidente.

National

Super Typhoon Pepito, napanatili ang lakas; Signal #5, nakataas sa 2 lugar sa Luzon

Dagdag ni VP Sara, si FPRRD daw ang dapat maghanda sa ICC. Gayunpaman, naghahanda rin daw siya kahit na hindi pa siya pormal na bahagi ng imbestigasyon ng nasabing international court ukol sa war on drugs.

“Siya (FPRRD) siguro ang dapat maghanda kasi siya ang unang dadalhin doon [sa ICC] eh,” ani VP Sara.

“Sa akin, wala pa naman eh. Sabi ng mga tinatanong namin, wala naman ako doon sa complaint. Wala pa ako doon sa investigation. Wala pa lahat, pero naghahanda,” dagdag pa niya.

Matatandaang matapos ang naging pahayag ni FPRRD hinggil sa ICC, sinabi ng Malacañang na hindi nila pipigilan ang inisyatibo ng dating pangulong isuko ang kaniyang sarili sa ICC, at handa raw silang makipag-ugnayan sa Interpol kapag naglabas na ito ng red notice para sa dating pangulo. 

MAKI-BALITA: Malacañang, handang makipag-ugnayan sa INTERPOL 'pag naglabas ng red notice kay FPRRD