Pinag-iingat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang mga residente sa Southern Luzon at Eastern Visayas dahil sa banta ng bagyong Pepito na malapit nang itaas sa “super typhoon” category.
Base sa 8 AM bulletin ng PAGASA ngayong Sabado, Nobyembre 16, huling namataan ang Typhoon Pepito 235 kilometro ang layo sa silangan ng Catarman, Northern Samar.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 175 kilometers per hour malapit sa sentro at pagbugsong aabot sa 215 kilometers per hour.
Kumikilos ang bagyo pa-northwest sa bilis na 25 kilometers per hour.
Dahil dito, itinaas na ang Tropical Cyclone Wind Signal sa mga sumusunod na lugar:
Signal No. 3:
Luzon
Catanduanes
Eastern portion ng Albay (Rapu-Rapu, Bacacay Santo Domingo, City of Tabaco, Malilipot, Tiwi, Malinao)
Eastern portion ng Camarines Sur (Caramoan, Presentacion, San Jose, Garchitorena, Lagonoy, Sagñay, Tigaon, Goa, Tinambac, Siruma)
Easternmost portion of Sorsogon (Prieto Diaz)
Visayas
Eastern portion ng Northern Samar (Palapag, Laoang, Mapanas, Gamay, Lapinig, Catubig, Pambujan)
Northernmost portion ng Eastern Samar (San Policarpo, Arteche, Oras, Jipapad)
Signal 2:
Luzon
Mga natitirang bahagi ng Camarines Sur
Mga natitirang bahagi ng Albay
Mga natitirang bahagi ng Sorsogon
Ticao Island
Camarines Norte
Northeastern portion ng Quezon (Perez, Alabat, Quezon, Calauag, Guinayangan, Tagkawayan) kabilang na ang Polillo Islands
Visayas
Northern portion ng Eastern Samar (Dolores, Maslog, Can-Avid, Taft, Sulat, San Julian, City of Borongan)
Northern portion ng Samar (Matuguinao, Calbayog City, Santa Margarita, San Jorge, San Jose de Buan, Tarangnan, Motiong, Gandara, Jiabong, City of Catbalogan, Paranas, Hinabangan, San Sebastian, Pagsanghan)
Mga natitirang bahagi ng Northern Samar
Signal No. 1
Luzon
Metro Manila
Mga natitirang bahagi ng Masbate kabilang na ang Burias Island
MarinduqueRomblon
Mga natitirang bahagi ng Quezon
Laguna
Rizal
Cavite
Batangas
Zambales
Bataan
Bulacan
Pampanga
Tarlac
Nueva Ecija
Aurora
Quirino
Nueva Vizcaya
Isabela
Mainland Cagayan
Pangasinan
La Union
Ilocos Sur
Ilocos Norte
Abra
Apayao
Kalinga
Mountain Province
Ifugao
Benguet
Visayas
Mga natitirang bahagi ng Eastern Samar
Mga natitirang bahagi ng Samar
Biliran
Northern at central portions ng Leyte (Tunga, Pastrana, San Miguel, Matag-Ob, Tolosa, Palo, Calubian, Leyte, Mayorga, Julita, Carigara, Babatngon, Dagami, Jaro, San Isidro, Santa Fe, Albuera, Villaba, La Paz, Palompon, Macarthur, Tabontabon, Tanauan, Merida, Ormoc City, Isabel, Dulag, Capoocan, Alangalang, Burauen, Tabango, Tacloban City, Kananga, Barugo, Abuyog, Javier, City of Baybay, Mahaplag)
Northeastern portion ng Southern Leyte (Silago)
Northernmost portion ng Cebu (Daanbantayan, Medellin) kabilang na ang Bantayan Islands
Northernmost portion of Iloilo (Carles)
Mindanao
Northern portion ng Dinagat Islands (Loreto, Tubajon)
Base sa forecast track ng PAGASA, posibleng mag-landfall ang bagyong Pepito sa vicinity ng Catanduanes bukas mamayang gabi o bukas ng Linggo ng madaling araw, Nobyembre 17.
Patuloy pa raw lalakas ang bagyo at posibleng maging “super typhoon” sa mga susunod na oras bago ang pag-landfall nito mamayang gabi o sa linggo ng madaling araw.