Itinaas na sa “super typhoon” category ang bagyong Pepito nitong Sabado ng umaga, Nobyembre 16, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Sa tala ng PAGASA, naging super typhoon ang bagyong Pepito dakong 10:00 ng umaga.
Huli itong namataan 215 kilometro ang layo sa Catarman, Northern Samar.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 185 kilometers per hour malapit sa sentro, at pagbugsong aabot sa 230 kilometers per hour.
Kumikilos ito pa-west northwest sa bilis na 25 kilometers per hour.
Inabisuhan ng PAGASA ang publiko na manatiling nakaantabay sa kanilang updates para sa lagay ng super typhoon Pepito.