November 16, 2024

Home FEATURES

ALAMIN: Mga paraan upang labanan ang '12 scams of Christmas'

ALAMIN: Mga paraan upang labanan ang '12 scams of Christmas'
Photo courtesy: Pexels and Manila Bulletin/Facebook

Pinangunahan ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) ang kampanya para sa darating na kapaskuhan hinggil sa umano’y pagkalat ng iba’t ibang uri ng scams.

Kasama ang iba’t iba pang ahensya ng gobyerno inilunsad ng CICC nitong Biyernes, Nobyembre 15, 2024 ang “Holiday Watch PH 2024” na naglalayong mapigilan ang pambibiktima ng mga scammer sa papalapit na holiday season. 

Ayon kay CICC Executive Director Alexander K. Ramos, habang abala raw ang ilan sa para sa paghahanda sa kapaskuhan, marami umano’y ang nananamantala ng okasyon upang manloko.

“While people are preparing for their shopping lists, parties and travel plans for the Christmas season, cybercriminals are preparing too on how best to scam you,” ani Ramos. 

Human-Interest

Ilan sa mga umano’y senyales ng paparating na delubyo

Dagdag pa ni Ramos, ang holiday season daw kasi ang oportunidad ng mga scammers dahil sa pagiging in demand ng online shoppings. 

“Cybercriminals see the holiday season as the perfect opportunity to launch attacks because of the increase in online shopping and mobile device usage. People take a break during holidays but scammers do not,” anang diketor.

Muling binuhay ng nasabing kampanya ang tinatawag ng DICC na “12 scams of Christmas” upang mapaunawa raw sa publiko ang pag-atake nito, higit lalo na sa digital platforms.

1. Fake Online Charity Scam

2. Proliferation of Phishing Emails and SMS

3. Fake Shipping Scam

4. Tech Support Scam

5. Fake Relatives Scam

6. Online Shopping Scam

7. Gift Card Scam

8. Job Posting 

9. Travel Scam

10. Love Scam

11. Policy Violation Scam

12. Too Good To Be True Pop Up Ads

Kaugnay nito, naglabas din ang ahensya ng walong paraan upang malabanan daw ang iba’t ibang modus ng mga scammers. Maaaring makipag-ugnayan ang mga biktima sa iba’t ibang ahensya at organisasyon at may nais umanong isuplong na kahina-hinalang mensahe.

Call 1326 for online scam victims (CICC, DICT)

eReport Online Scams to eGov Super App (DICT, CICC)

eReport Online Consumer Complaint to eGov Super App (DTI, DICT)

Call 0920-964-DOTR (3687) for Commuter Complaints (DOTr)

Use SEC Check App to verify companies offering investments (SEC)

Check NPC Seal of Registration for Legitimate Commercial Websites (NPC)

Download Whoscall Anti-Scam App for Device Protection (Gogolook)

Follow the Four (4) Kontra Scam Attitudes (Scam Watch Pilipinas)

Katuwang ang Scam Watch Pilipinas, nagbigay rin ito ng simple at apat daw na paraan upang makaligtas sa masasamang loob ngayong holiday season. 

Magdamot

Magduda

Mang-isnob

Magsumbong

“Pinakaimportante po sakin mang-snob kasi yung tinuturo natin sa mga anak natin, ‘don’t talk to strangers’, pero tayo sa internet, sa social media, lagi natin ineenggage yung mga di natin kakilala,” ani Scam Watch Pilipinas Lead Co-Convenor Jocelle De Guzman.

Kate Garcia