December 22, 2024

Home BALITA Probinsya

‘Premonition nga ba?’ Pagdagsa ng ibon sa ilang lugar sa Bicol, umani ng reaksiyon

‘Premonition nga ba?’ Pagdagsa ng ibon sa ilang lugar sa Bicol, umani ng reaksiyon
Photo courtesy: screenshot from 91.5 Brigada News FM Legazpi City/Facebook

Nagkalat sa social media ang ilang videos na kuha umano sa iba’t ibang lugar sa Bicol region, kung saan makikita ang animo’y pagdagsa ng mga ibon sa lugar.

Sa ulat ng 91.5 Brigada News FM Legazpi City nitong Biyernes, Nobyembre 15, 2024, ilang saksi raw ang nagsasabi na hindi umano normal ang kilos ng naturang mga ibon sa kanilang lugar.

Nangyari ang pagdagsa ng mga ibon kasunod ng pagpula ng kulay ng kalangitan sa nasabing rehiyon kamakailan.

Matatandaang naunang inanunsyo ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang tungkol sa bagyong Pepito na posibleng tumama sa Bicol Region.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Bunsod nito, tila ilang netizens tuloy ang nabahala at sinabing pangitain na raw ito ng isang sakuna.

“‘Wag naman po sana..lord ikaw na po bahala.”

“Ganyan naman talaga ang mga hayop di rin makampanti kung may paparating na kalamidad.”

“Nature sign na may darating kalamidad.”

“Ingat po masamang pangitain po.”

“Pahiwatig na may paparating na masamang panahon.”

“So meant to say, maghanda na din kayo sa Albay, mas ramdam nila kasi nasa himpapawid sila.”

Samantala, may ilang netizens naman ang nagsasabi na normal lang daw sa kanilang lugar ang naturang aktibidad ng mga ibon at iginiit na hindi raw ito dapat ikabahala.

“Kung taga-Albay ka at madalas tumambay sa may Capitol, alam mo na every afternoon takipsilim ganiyan ang scenario diyan.”

“Diyan ‘yan sa Kapitolyo nagkasilong mga Ibon na ‘yan marami talaga ‘yan sila.”

“Normal lang po iyan Lalo na pag agaw kan diklom liwanag po.”

“THEY HAVE ALWAYS BEEN LIKE THAT EVERY AFTERNOON, EVEN BEFORE. Don't cause unnecessary fear.”

“D’yan talaga tambayan nila.”

“Kalma lang po. Matagal na yan jan kahit walang bagyo.”

Base sa 11:00 AM weather update ng PAGASA ngayong Biyernes, Nobyembre 15, posibleng tuluyang tumama ang bagyong Pepito sa Bicol region sa Sabado ng gabi, Nobyembre 16 hanggang Linggo ng umaga, Nobyembre 17. 

Kate Garcia