Nakataas na ang Signal No. 2 sa tatlong mga lugar sa Visayas dahil sa bagyong Pepito na mas lumakas pa, ayon sa 5 PM bulletin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Biyernes, Nobyembre 15.
Sa tala ng PAGASA, huling namataan ang Typhoon Pepito 465 kilometro ang layo sa silangan ng Guiuan, Eastern Samar.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 150 kilometers per hour malapit sa sentro at pagbugsong aabot sa 185 kilometers per hour.
Kumikilos ang bagyo pa-west northwest sa bilis na 30 kilometers per hour.
Dahil dito, itinaas na ang Tropical Cyclone Wind Signal sa mga sumusunod na lugar:
Signal No. 2:
Visayas:
- Eastern portion ng Northern Samar (Mapanas, Gamay, Palapag, Lapinig, Silvino Lobos, Laoang, Catubig, Las Navas, Pambujan, Mondragon, San Roque, Catarman, Lope de Vega)
- Northern portion ng Eastern Samar (Arteche, Oras, San Policarpo, Dolores, Jipapad, Maslog, Can-Avid)
- Northeastern portion ng Samar (San Jose de Buan, Matuguinao)
Signal No. 1:
Luzon:
- Aurora
- Quezon
- Eastern portion ng Laguna (Santa Maria, Famy, Siniloan, Pangil, Mabitac, Pakil, Paete, Kalayaan, Lumban, Cavinti, Luisiana, Pagsanjan, Santa Cruz, Magdalena, Majayjay, Liliw, Nagcarlan, San Pablo City, Rizal)
- Marinduque
- Camarines Norte
- Camarines Sur
- Catanduanes
- Albay
- Sorsogon
- Masbate
Visayas:
- Mga natitirang bahagi ng Northern Samar
- Mga natitirang bahagi ng Eastern Samar
- Mga natitirang bahagi ng Samar
- Biliran
Base sa forecast track ng PAGASA, posibleng mag-landfall ang bagyong Pepito sa vicinity ng Catanduanes bukas ng Sabado ng gabi, Nobyembre 16, o sa Linggo ng madaling araw, Nobyembre 17.
Nagbabala rin ang weather bureau na patuloy na lalakas ang bagyo at posibleng maging “super typhoon” bago ang pag-landfall nito bukas ng gabi o sa linggo ng madaling araw.