Mas lumakas pa ang bagyong Pepito at itinaas na ito sa “typhoon” category habang humina naman ang bagyong Ofel at ibinaba ito sa “severe tropical storm” category, ayon sa 11 AM bulletin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Biyernes, Nobyembre 15.
Sa tala ng PAGASA, huling namataan ang Typhoon Pepito 630 kilometro ang layo sa silangan ng Guiuan, Eastern Samar.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 130 kilometers per hour malapit sa sentro at pagbugsong aabot sa 160 kilometers per hour.
Kumikilos ang bagyo pakanluran sa bilis na 30 kilometers per hour.
Dahil dito, itinaas na ang Tropical Cyclone Wind Signal sa mga sumusunod na lugar:
Signal No. 2:
Visayas:
Eastern portion ng Northern Samar (Mapanas, Gamay, Palapag, Lapinig)
Northern portion ng Eastern Samar (Arteche, Oras, San Policarpo, Dolores, Jipapad, Maslog)
Signal No. 1:
Luzon:
Southeastern portion ng Quezon
Camarines Norte
Camarines Sur
Catanduanes
Albay
Sorsogon
Masbate
Visayas:
Mga natitirang bahagi ng Northern Samar
Mga natitirang bahagi ng Eastern Samar
Samar
Biliran
Base sa forecast track ng PAGASA, posibleng mag-landfall ang bagyong Pepito sa vicinity ng Catanduanes bukas ng Sabado ng gabi, Nobyembre 16, o sa Linggo ng madaling araw, Nobyembre 17.
Nagbabala rin ang weather bureau na patuloy na lalakas ang bagyo at posibleng maging “super typhoon” bago ang pag-landfall nito bukas ng gabi o sa linggo ng madaling araw.
Samantala, humina naman na sa “severe tropical storm” ang bagyong Ofel na huling namataan 215 kilometro ang layo sa Northwest ng Calayan, Cagayan o 195 kiloemtro ang layo sa kanluran ng Itbayat, Batanes.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 110 kilometers per hour malapit sa sentro at pagbugsong aabot sa 135 kilometers per hour.
Dahil kay Ofel, nakataas pa ring ang Tropical Cyclone Wind Signal sa mga sumusunod na lugar:
Signal No. 2
Luzon:
Batanes
Signal No.1
Luzon
Northern portion ng Cagayan (Pamplona, Claveria, Abulug, Sanchez-Mira, Santa Praxedes, Ballesteros)
Babuyan Islands
Northern portion ng Apayao (Luna, Santa Marcela, Calanasan)
Northern portion ng Ilocos Norte (Pagudpud, Adams, Bangui, Dumalneg, Burgos, Pasuquin, Vintar, Bacarra, Piddig, Carasi)
Kumikilos ang bagyong Ofel pa-north northwest sa bilis na 20 kilometers per hour at inaasahang lalabas ng Philippine area of responsibility (PAR) ngayong tanghali.