November 15, 2024

Home BALITA Eleksyon

Para sa malinis na eleksyon: PBBM, nanawagan sa media para sa 2025 midterm elections

Para sa malinis na eleksyon: PBBM, nanawagan sa media para sa 2025 midterm elections
Photo courtesy: Radio Television Malacañang - RTVM/Facebook

Nanawagan si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos sa media para sa darating na 2025 midterm elections.

Sa kaniyang talumpati para sa 50 Top-Level Management Conference ng Kapisanan ng ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) nitong Huwebes, Nobyembre 14, 2024, isa sa mga naging mensahe ni PBBM ang papel daw ng media para sa paparating na eleksyon.

"That is why I see the KBP's partnership with Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) as an important and commendable initiative to help promote and ensure a clean, transparent, honest and accountable election next year,” anang Pangulo. 

Dagdag pa ng Pangulo, marapat lang din daw na panghawakan ng bawat mamamahayag ang tiwalang ibinibigay ng mga Pilipino.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

“I urge you to remain steadfast in these principles that protect the trust bestowed to all of us by the Filipino people,” ani PBBM.

Hinikayat din niya ang lahat ng media sa bansa na mahimok ang taumbayan na dapat daw ay matutong makisangkot. 

“Let us also explore new creative ways to engage and inspire the public. We need a citizenry that is not only informed but is also actively involved, vigilant, ready to defend the values that we hold,” saad ng Pangulo. 

Samantala, sa naturang conference din ipinagbigay sa media ni KBP President Noel Galvez na binabalak na raw ng ahensya na bigyan ng akreditasyon ang lahat ng vloggers at content creators sa bansa. 

KAUGNAY NA BALITA: KBP, nais bigyan ng accreditation ang vloggers at content creators

-Kate Garcia