November 15, 2024

Home BALITA National

Diokno kay Ex-Pres. Duterte: ‘Tara na, i-set na natin ang date mo sa ICC!’

Diokno kay Ex-Pres. Duterte: ‘Tara na, i-set na natin ang date mo sa ICC!’
MULA SA KALIWA: Atty. Chel Diokno at Ex-Pres. Rodrigo Duterte (Facebook; file photo)

Nagbigay ng mensahe si human rights lawyer at Akbayan First Nominee Atty. Chel Diokno para kay dating Pangulong Rodrigo Duterte matapos ang naging pahayag nito ukol sa International Criminal Court (ICC) nang dumalo siya sa pagdinig ng House quad committee hinggil sa war on drugs ng kaniyang administrasyon.

Matatandaang sa isinagawang pagdinig ng House quad committee noong Miyerkules, Nobyembre 13, dapat umanong magmadali na ang ICC sa pag-imbestiga sa war on drugs ng kaniyang administrasyon.

MAKI-BALITA: Ex-Pres. Duterte sa ICC: 'Start the investigation tomorrow!'

Kaugnay nito, sinabi ni Diokno sa isang pahayag nitong Biyernes, Nobyembre 15, na dapat daw na maghanda na si Duterte para kaharapin ang ICC.

National

Ex-Pres. Duterte, magsasampa raw ng libel case laban kay Trillanes

"Perhaps Duterte should look into his calendar and mark the date when he wants to go to the ICC. We will oblige his request,” ani Diokno.

“Tara na, Mr. Duterte. I-set na natin ang date mo sa ICC. The ICC is waiting, and so is justice," dagdag niya.

Samantala, sinuportahan din ng Akbayan first nominee ang naging pahayag ng Malacañang na hindi nila pipigilan ang inisyatibo ni Duterte na isuko ang kaniyang sarili sa ICC, at handa raw silang makipag-ugnayan sa Interpol kapag naglabas na ito ng red notice para sa dating pangulo. 

MAKI-BALITA: Malacañang, handang makipag-ugnayan sa INTERPOL 'pag naglabas ng red notice kay FPRRD

“Suportado natin ang pahayag na ito ng Palasyo para magkaroon na talaga ng totoong pananagutan sa libu-libong pagpatay sa madugong giyera kontra illegal na droga ni Duterte,” ani Diokno.

“Mistulang pang-iinsulto at hipokrito ang panawagan ni dating Pangulong Duterte sa ICC na bilisan ang imbestigasyon nito, gayong siya ang nag-withdraw ng membership ng Pilipinas mula rito.”

"Pero magagamit pa rin natin ang kaniyang hamon sa ICC para maparusahan siya sa libu-libong namatay sa kanyang giyera kontra droga. While Duterte's words may be more about deflection, we must seize this opportunity to hold him responsible for the thousands who perished in his unjust campaign. We should ensure that Malacañang's statement is more than just a procedural position—it is a chance to affirm that the law applies to all, regardless of power or influence," saad pa niya.

Matatandaang noong Hunyo ng taong ito nang ihayag ni Diokno na base sa 2017 year-end accomplishment report ng Office of the President (OP) sa ilalim ng administrasyong Duterte, 20,322 drug suspects umano ang napatay sa giyera kontra droga sa bansa mula Hulyo 2016 hanggang Nobyembre 2017.

MAKI-BALITA: 20,332 indibidwal, napatay sa ‘drug war’ ng Duterte admin – Diokno