December 09, 2024

Home BALITA National

Taga-Maynila ulit? Manilenyo, panalo ng ₱118.5M sa lotto!

Taga-Maynila ulit? Manilenyo, panalo ng ₱118.5M sa lotto!
(unsplash)

Isang taga-Maynila ulit ang masuwerteng nanalo ng ₱118.5 milyon sa Grand Lotto 6/55 na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Miyerkules ng gabi, Nobyembre 13. 

Ayon sa PCSO, maiiuwi ng lone bettor ang ₱118,502,380 na jackpot prize matapos mahulaan ang winning numbers na 27-01-16-11-50-03 ng Grand Lotto.

Dagdag pa ng ahensya, nabili ang lotto ticket sa Sampaloc, Maynila.

Matatandaang noong Nobyembre 5, napanalunan din ng isang Manilenyo ang mahigit ₱107.8M jackpot prize ng Lotto 6/42.

National

Paalala ng PWS para sa flu season: 'Do not kiss babies that aren't yours!'

BASAHIN: Taga-Maynila, winner ng ₱107.8M sa Lotto 6/42

Upang makubra ang premyo, kinakailangan lamang ng lucky winner na magtungo sa punong tanggapan ng PCSO sa Mandaluyong City at iprisinta ang kaniyang lucky ticket at dalawang valid IDs.

Mayroon lamang namang isang taon ang lucky winner, mula sa petsa ng pagbola, upang kubrahin ang kaniyang premyo. Ang lahat naman ng premyong hindi makukubra sa loob ng isang taon ay awtomatikong mapupunta sa kawanggawa.