December 06, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Resbak para sa tanging ina! Anak ni Ai Ai, hinamon tapang ni Chloe San Jose?

Resbak para sa tanging ina! Anak ni Ai Ai, hinamon tapang ni Chloe San Jose?
Photo courtesy: Chloe Anjeleigh San Jose, Sophia Delas Alas Bautista/Facebook

Nagkalat sa social media ang ilan sa umano’y screenshot ng sagutan daw nina Chloe San Jose at anak ni Comedy Queen Ai Ai Delas Alas na si Sophia Delas Alas Bautista.

Matatandaang kamakailan lang ay kumalat ang isa umanong private post ni Chloe hinggil sa hiwalayan ni Ai Ai at mister na si Gerald Sibayan.

KAUGNAY NA BALITA: 'Back to you mamang!' Chloe, rumesbak kay Ai Ai matapos hiwalayan ni Gerald?

Bunsod ng naturang “hidden post” daw ni Chloe ay kumalat ang screenshot na nagkomento rito ang anak ni Ai Ai at tila diretsahang hinamon ito.

Tsika at Intriga

Netizens kay Anthony: 'You look tired. I wanna baby you!'

“Matapang ka? Public mo naman post mo regarding my mom,” saad daw ng umano’y komento ni Sophia.

Sinagot naman ito ni Chloe at sinabing nag-PM daw siya kay Sophia.

“Sophia Delas Alas Bautista messaged you love.”

Sa huling bahagi ng sinasabing palitan ng komento, tila hinamon daw ni Sophia si Chloe na magkita sa Maynila dahil giit niya, matapang naman daw ito.

“Kita tayo sa Manila? Matapang ka eh.”

Photo courtesy: Screenshot from Chloe Anjeleigh San Jose (FB)

Samantala, personal na binisita ng Balita ang nabanggit na verified Facebook account ni Chloe San Jose, maging ang FB account ni Sophia, ngunit wala nga ang nabanggit na posts at comments.

Bukas naman ang Balita sa panig nina Chloe at Sophia kung sakaling nais nilang ipaliwanag, linawin, o pabulaanan ang mga nabanggit na claims ng ilang Facebook page.

Kate Garcia