November 15, 2024

Home FEATURES

‘Pasko para sa lahat’ PDLs, may Christmas wishlist ngayong Pasko!

‘Pasko para sa lahat’ PDLs, may Christmas wishlist ngayong Pasko!
Photo courtesy: BJMP Guiguinto Municipal Jail/Facebook Ali Vicoy/MB

Gusto mo bang mag-ala “Santa Claus” ngayong Kapaskuhan?

Muling kumakatok ang ilang Persons Deprived in Liberty (PDL) mula sa BJMP Guiguinto Municipal Jail sa Bulacan at BMJP Tanauan (female dormitory) sa Batangas para sa kanilang munting “Christmas wishlists.”

Matatandaang noong 2021 nang mag-viral sa social media ang pakulo ng “Christmas wishlist” ng iba’t ibang provincial jails. Tila marami din kasi ang naantig nang kumalat ang mga larawan ng kanilang wishlist, na tipikal na nakasabit sa pasilyo ng bawat piitan o ‘di naman kaya ay nakakabit sa isang Christmas tree. 

Ayon sa ibinahaging Facebook post ng BJMP Tanauan FD, noong Nobyembre 2, 2024 nang magsimula ang naturang wishlist sa kanilang female dormitory. 

Human-Interest

Higanting coral, naispatan; mas malaki pa raw sa blue whale?

“Tanauan City Jail Female Dormitory under the direct supervision of Acting Warden, JINSP MA GEMMA L ACOBA, and with the help of JO2 Donnalyn R Castillo and JO1 Lady Darizza B Javier launched the wishlist card bearing their desired gifts on Christmas,” saad ng ahensya sa caption. 

Samantala, nitong Miyerkules, Nobyembre 13, naman nang inanunsyo ng BJMP Guiguinto Municipal Jail sa kanilang opisyal na Facebook page ang pagsisimula ng tinawag nilang “Wishmas Tree of PDL.” 

“This Christmas, we invite you to be part of something truly special. The Wishmas Tree of PDL at Guiguinto Municipal Jail is more than just a holiday decoration – it is a symbol of hope, redemption, and second chances. Each wish hanging on the tree reflects the heartfelt desires of our Persons Deprived of Liberty (PDL), who long for a brighter future this season,” anang BJMP Guiguinto. 

Mula sa mga anonymous sticky notes na nakasabit sa isang Christmas tree sa bawat provincial jails, makikita ang mga mumunting hiling ng bawat PDL kagaya ng tsinelas, damit, reading glass at iba pa. 

Ang BJMP Guiguinto, tila mas pinadali naman ang para sa publiko na makapaghatid ng regalo sa kanilang inmates, dahil isa-isa rin nilang inilagay ang mga ito sa kanilang Facebook page, kung saan maaaring mag-mine sa comment section ang bawat netizen ng kanilang wishlist na gustong isakatuparan. 

Ayon sa ulat ng ilang local media outlets, isinasagawa ng bawat provincial jails ang naturang taunang wishlist upang maipabatid daw na ang ang bawat PDLs ay nananatili pa ring miyembro ng lokal na komunidad. 

Kate Garcia