Mas humina pa ang Typhoon Ofel na huling namataan sa vicinity ng Gonzaga, Cagayan, ayon sa 5 PM update ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Huwebes, Nobyembre 14.
Sa tala ng PAGASA, taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 165 kilometers per hour malapit sa sentro at pagbugsong aabot sa 275 kilometers per hour.
Patuloy itong kumikilos pa-west northwest sa bilis na 20 kilometers per hour.
Dahil dito, itinaas na ang Tropical Cyclone Wind Signal sa mga sumusunod na lugar sa Luzon:
Signal No. 4:
Babuyan Islands
Northern at eastern portions ng mainland Cagayan (Santa Teresita, Ballesteros, Aparri, Camalaniugan, Buguey, Lal-Lo, Allacapan, Gattaran, Baggao, Peñablanca, Gonzaga, Santa Ana, Abulug, Pamplona, Sanchez-Mira)
Signal No. 3:
Batanes
Mga natitirang bahagi ng Cagayan
Northern portion ng Isabela (San Pablo, Tumauini, Cabagan, Santa Maria, Santo Tomas, Maconacon, Delfin Albano)
Northern portion ng Apayao (Flora, Santa Marcela, Luna, Pudtol, Calanasan, Kabugao),
Northern portion ng Ilocos Norte (Pagudpud, Adams, Dumalneg)
Signal No. 2:
Western at eastern portions ng Isabela (Quezon, Quirino, Mallig, San Manuel, Aurora, Cabatuan, City of Cauayan, Benito Soliven, Naguilian, Gamu, Burgos, Reina Mercedes, Luna, Roxas, San Mariano, Palanan, Ilagan City, Divilacan, Dinapigue)
Mga natitirang bahagi ng Apayao
Kalinga
Northeastern portion ng Abra (Tineg, Lacub, Malibcong, Lagayan, San Juan, Lagangilang, Licuan-Baay, Daguioman)
Eastern portion ng Mountain Province (Paracelis)
Mga natitirang bahagi ng Ilocos Norte
Signal No. 1:
Mga natitirang bahagi ng Isabela
Quirino
Northern portion ng Nueva Vizcaya (Kasibu, Ambaguio, Solano, Bayombong, Quezon, Bagabag, Diadi, Villaverde, Dupax del Norte, Bambang)
Mga natitirang bahagi ng Mountain Province
Mga natitirang bahagi ng Ifugao
Mga natitirang bahagi ng Abra
Northern portion ng Benguet (Mankayan, Kabayan, Kibungan, Bakun, Buguias)
Ilocos Sur
Northern portion ng La Union (Luna, Sudipen, Bangar, Santol, Balaoan)
Northern portion ng Aurora (Casiguran, Dinalungan, Dilasag, Dipaculao)
Base sa forecast track ng PAGASA, patuloy na babaybayin ng bagyong Ofel ang northeastern portion ng mainland Luzon ngayong tanghali. Patuloy naman itong kikilos pa-northwest at dadaan malapit o magla-landfall sa vicinity ng Babuyan Islands mamayang gabi bago ito kikilos pahilaga bukas ng Biyernes, Nobyembre 15, sa karagatan sa kanluran ng Batanes, saka kikilos pa-northeast sa karagatan sa silangan ng Taiwan sa weekend.
Nagsimula raw humina ang bagyo dahil sa interaksyon nito sa kalupaan ng Luzon. Patuloy pa itong hihina sa buong forecast period dahil sa frictional effects ng kalupaan at dahil sa unfavorable environment sa Luzon Strait at karagatan sa silangan ng Taiwan.