December 27, 2024

Home BALITA National

Ofel, humina na sa ‘typhoon’ category; nag-landfall sa Baggao, Cagayan

Ofel, humina na sa ‘typhoon’ category; nag-landfall sa Baggao, Cagayan
Courtesy: PAGASA/FB

Humina na sa “typhoon” category ang bagyong Ofel na nag-landfall sa vicinity ng Baggao, Cagayan nitong Huwebes ng hapon, Nobyembre 14, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa tala ng PAGASA, nag-landfall ang Typhoon Ofel sa Baggao, Cagayan dakong 1:30 ng hapon.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 175 kilometers per hour malapit sa sentro at pagbugsong aabot sa 240 kilometers per hour.

Kumikilos ito pa-west northwest sa bilis na 20 kilometers per hour.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Dahil dito, itinaas na ang Tropical Cyclone Wind Signal sa mga sumusunod na lugar sa Luzon:

Signal No. 4:

Babuyan Islands

Northern at eastern portions ng mainland Cagayan (Santa Teresita, Ballesteros, Aparri, Camalaniugan, Buguey, Lal-Lo, Allacapan, Gattaran, Baggao, Peñablanca, Gonzaga, Santa Ana)

Northeastern portion ng Isabela (Maconacon, Divilacan)

Signal No. 3:

Batanes

Mga natitirang bahagi ng Cagayan

Northern, central, at eastern portions ng Isabela (San Pablo, Delfin Albano, Ilagan City, Tumauini, Cabagan, Santa Maria, Santo Tomas, San Mariano, Palanan)

Northern portion ng Apayao (Flora, Santa Marcela, Luna, Pudtol, Calanasan, Kabugao)

Northern portion ng Ilocos Norte (Pagudpud, Adams, Dumalneg)

Signal No. 2:

Western at southern portions ng Isabela (Quezon, Quirino, Mallig, San Manuel, Aurora, Cabatuan, City of Cauayan, Benito Soliven, Naguilian, Gamu, Burgos, Reina Mercedes, Luna, Roxas, Angadanan, Alicia, San Guillermo, Echague, Jones, San Agustin, San Mateo, San Isidro, Dinapigue)

Mga natitirang bahagi ng Apayao

Kalinga

Northeastern portion ng Abra (Tineg, Lacub, Malibcong, Lagayan, San Juan, Lagangilang, Licuan-Baay, Daguioman)

Eastern portion ng Mountain Province (Paracelis)

Eastern portion ng Ifugao (Alfonso Lista)

Mga natitirang bahagi ng Ilocos Norte

Signal No. 1:

Mga natitirang bahagi ng Isabela

Quirino

Nueva Vizcaya

Mga natitirang bahagi ng Mountain Province

Mga natitirang bahagi ng Ifugao

Mga natitirang bahagi ng Abra

Northern portion ng Benguet (Bokod, Mankayan, Kapangan, Atok, Kabayan, Kibungan, Bakun, Buguias, Tublay)

Ilocos Sur

Northern portion ng La Union (Luna, Sudipen, Bangar, Santol, San Gabriel, Bagulin, Bacnotan, Balaoan, San Juan)

Northern portion ng Aurora (Casiguran, Dinalungan, Dipaculao, Baler, Dilasag, Maria Aurora)

Matapos mag-landfall sa Baggao, patuloy na babaybayin ng bagyong Ofel ang northeastern portion ng mainland Luzon ngayong tanghali. Patuloy naman itong kikilos pa-northwest at dadaan malapit o magla-landfall sa vicinity ng Babuyan Islands mamayang gabi bago ito kikilos pahilaga bukas ng Biyernes, Nobyembre 15, sa karagatan sa kanluran ng Batanes, saka kikilos pa-northeast sa karagatan sa silangan ng Taiwan sa weekend.

Patuloy ring hihina ang bagyo sa buong forecast period dahil sa frictional effects ng kalupaan at dahil sa unfavorable environment sa Luzon Strait at karagatan sa silangan ng Taiwan.