December 26, 2024

Home BALITA National

Ofel, ganap nang ‘super typhoon’; Signal #5, itinaas sa northeastern ng mainland Cagayan

Ofel, ganap nang ‘super typhoon’; Signal #5, itinaas sa northeastern ng mainland Cagayan
Courtesy: PAGASA/FB

Mas lumakas pa at isa nang ganap na “super typhoon” ang bagyong Ofel, dahilan kaya’t itinaas na sa Signal No. 5 ang northeastern portion ng mainland Cagayan, ayon sa 8 AM update ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Huwebes, Nobyembre 14.

Base sa ulat ng PAGASA, huling namataan ang Super Typhoon Ofel 165 kilometro ang layo sa east northeast ng Echague, Isabela o 165 kilometro ang layo sa east southeast ng Tuguegarao City, Cagayan.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 185 kilometers per hour malapit sa sentro at pagbugsong aabot sa 230 kilometers per hour.

Kumikilos ito pa-northwest sa bilis na 15 kilometers per hour.

National

Ilang araw bago ang New Year: Bilang ng mga naputukan, pumalo na sa 69

Dahil dito, itinaas na ang Tropical Cyclone Wind Signal sa mga sumusunod na lugar sa Luzon:

Signal No. 5:

Northeastern portion ng mainland Cagayan (Santa Ana, Gonzaga)

Signal No. 4:

Southeastern portion ng Babuyan Islands (Camiguin Is.)

Northern at eastern portions ng mainland Cagayan (Santa Teresita, Ballesteros, Aparri, Camalaniugan, Buguey, Lal-Lo, Allacapan, Gattaran, Baggao, Peñablanca)

Northeastern portion ng Isabela (Maconacon, Divilacan, Palanan)

Signal No. 3:

Mga natitirang bahagi ng Babuyan Islands

Mga natitirang bahagi ng Cagayan

Northern, central, at southeastern portions ng Isabela (San Pablo, Delfin Albano, Ilagan City, Tumauini, Cabagan, Santa Maria, Santo Tomas, San Mariano, Dinapigue)

Northern portion ng Apayao (Flora, Santa Marcela, Luna, Pudtol, Calanasan, Kabugao)

Northern portion ng Ilocos Norte (Pagudpud, Adams, Dumalneg)

Signal No. 2:

Batanes

Western at southern portions ng Isabela (Quezon, Quirino, Mallig, San Manuel, Aurora, Cabatuan, City of Cauayan, Benito Soliven, Naguilian, Gamu, Burgos, Reina Mercedes, Luna, Roxas, Angadanan, Alicia, San Guillermo, Echague, Jones, San Agustin, San Mateo, San Isidro)

Northeastern portion ng Quirino (Maddela)

Mga natitirang bahagi ng Apayao

Kalinga

Northeastern portion ng Abra (Tineg, Lacub, Malibcong, Lagayan, San Juan, Lagangilang, Licuan-Baay, Daguioman)

Eastern portion ng Mountain Province (Paracelis)

Eastern portion ng Ifugao (Alfonso Lista)

Mga natitirang bahagi Ilocos Norte

Northern portion ng Aurora (Dilasag)

Signal No. 1:

Mga natitirang bahagi ng Isabela

Mga natitirang bahagi ng Quirino

Nueva Vizcaya

Mga natitirang bahagi ng Mountain Province

Mga natitirang bahagi ng Ifugao

Mga natitirang bahagi ng Abra

Northern portion ng Benguet (Bokod, Mankayan, Kapangan, Atok, Kabayan, Kibungan, Bakun, Buguias, Tublay)

Ilocos Sur

Northern portion ng La Union (Luna, Sudipen, Bangar, Santol, San Gabriel, Bagulin, Bacnotan, Balaoan, San Juan)

Northern at central portions ng Aurora (Casiguran, Dinalungan, Dipaculao, Maria Aurora, Baler, San Luis)

Sa forecast track ng PAGASA, inaasahang kikilos ang bagyong Ofel pa-northwestward sa Philippine Sea bago ito magla-landfall sa east coast ng Cagayan o northern Isabela mamayang tanghali.

Posible raw mag-landfall ang bagyo bilang “super typhoon” pa rin. 

Samantala, maaaring magkaroon ng weakening trend ang bagyo kapag lumapit ito sa Taiwan hanggang sa hihina na ito sa Ryukyu Islands sa Lunes, Nobyembre 18, o Martes, Nobyembre 19.