November 23, 2024

Home FEATURES Human-Interest

Higanting coral, naispatan; mas malaki pa raw sa blue whale?

Higanting coral, naispatan; mas malaki pa raw sa blue whale?
Photo courtesy: Manu San Félix/National Geographic Pristine Seas

Inihayag ng National Geographic na natagpuan daw nila ang pinaniniwalaang pinakamalaking corals sa buong mundo.

Sa kanilang opisyal na website, ibinahagi ng National Geographic nitong Huwebes, Nobyembre 14, 2024, hindi raw inasahan ng kanilang grupo ang pagkadiskubre sa naturang coral sa karagatan ng Solomon Islands na napagkamalan pa raw nilang isang shipwreck. 

“From the surface, it looked like a shipwreck, long forgotten on the seabed. But when cinematographer Manu San Félix dove down to take a closer look, he was amazed to find a huge, sprawling coral,” ani National Geographic.

Ayon sa kanila, mas malaki raw ang naturang coral sa blue whale na siya umanong tinaguriang pinakamalaking hayop sa buong mundo. Tinatayang nasa 112 by 105 feet ang haba ng nasabing coral colony, kumpara sa isang blue whale na nasa 85 by 105 lang ang laki. 

Human-Interest

Color code sa shopping basket 'pag namimili sa dept. store, bet ng Pinoy netizens

Kilala ang Solomon Islands bilang parte ng tinatawag daw na “Coral Triangle,” isang partikular na rehiyon na siyang nagkakanlong ng coral diversity.

Tinatayang nasa 42 feet din daw ang lalim sa karagatan ng lokasyon ng nasabing higanting coral na nangangailangan umano ng snorkeling equipments upang masilayan ito sa ilalim.

Ayon pa sa mga eksperto, karaniwan daw na sinusukat ang edad ng isang coral batay sa laki at haba nito, kaya naman sa kanilang tantsa ay nasa mahigit 300 taon na raw na nasa mundo ang higanteng coral na kanilang natagpuan.

KATE GARCIA