November 25, 2024

Home BALITA National

De Lima, proud kay Kathryn sa HLA; ibinahagi larawan kasama standee niya noong 2022

De Lima, proud kay Kathryn sa HLA; ibinahagi larawan kasama standee niya noong 2022
Photo courtesy: Dating Senador Leila de Lima/FB

Sa kaniyang pagpapaabot ng pagbati kay Kathryn Bernardo dahil sa maagang tagumpay ng pelikula nitong “Hello, Love, Again”, ibinahagi ni dating senador Leila de Lima ang larawan ng aktres kasama ang kaniyang standee noong 2022 national elections.

Base sa isang Facebook post nitong Huwebes, Nobyembre 14, binanggit ni De Lima ang kasaysayang nalikha ng “Hello, Love, Again” na pinagbidahan nina Kathryn at Alden Richards matapos itong kumita ng ₱85-million sa unang araw pa lamang ng pagpapalabas nito sa buong bansa nitong Miyerkules, Nobyembre 13, 2024.

MAKI-BALITA: Hello, Love, Again, kumita ng ₱85M sa unang araw!

“Proud of you, my Kath! Hello, Love, Again just made history with over ₱85 million on its first day—the highest opening gross for a local film!” ani De Lima sa kaniyang post.

National

Sen. Bong Go, pinakiusapan si Sen. Imee na pagkasunduin muli sina PBBM, VP Sara

“Nakakaproud ang Filipino films, and it’s all thanks to strong, talented women like you. Your dedication and grace shine through, and you’re truly an inspiration. Wishing you and the whole team na nagtrabaho at nagpagod for the film even more success as the movie continues to touch hearts.”

Hirit pa ng dating senadora: “Sana makapagpa-picture rin ako with you, hindi lang sa standee!” 

Matatandaang noong 2022 national elections nang kumandidato si De Lima bilang senador kung saan sinuportahan siya ni Kathryn. Standee naman ang kasama ng aktres sa nasabing larawan dahil nakadetine pa lamang noon si De Lima dahil sa drug-related charges na inihain laban sa kaniya ng administrasyong Duterte.

Matapos ang mahigit anim na taong pagkakakulong, napalaya si De Lima nitong taon at ibinasura na rin korte ang lahat ng tatlo niyang kaso dahil sa walang sapat na ebidensya.

MAKI-BALITA: Leila de Lima, pinawalang-sala sa huling drug case