January 23, 2025

Home BALITA Metro

11 barangay sa Mandaluyong, ginawaran ng Seal of Good Local Governance for Barangays

11 barangay sa Mandaluyong, ginawaran ng Seal of Good Local Governance for Barangays

Nasa 11 barangay sa Mandaluyong City ang ginawaran ng 2024 Seal of  Good Local Governance for Barangays (SGLGB) ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

Ayon kina Mandaluyong City Mayor Ben Abalos at Vice Mayor Menchie Abalos, kabilang sa mga naturang barangay ang Addition Hills, Barangka Drive, Barangka lbaba, Namayan, New Zaniga, at Plainview, na naipasa ang tatlong core governance areas at tatlong essential governance areas.

Samantala, naipasa naman ng mga barangay ng Hagdang Bato Itaas, Hagdang Bato Libis, Daang Bakal, Wack-Wack, at  Old Zaniga ang kinakailangang tatlong core governance areas at dalawang essential governance areas.

Pinangunahan nina Mayor Abalos at DILG-Mandaluyong City Director Mary Ann Planas ang paggawad ng SGLGB sa mga nasabing barangay. 

Metro

Tatay na umano'y nambugbog, sugatan matapos gantihan at saksakin ng anak

Ikinatuwa rin ni Mayor Abalos ang nakamit na SGLGB ng mga nasabing barangay na nagpapatunay sa kahusayan ng mga ito sa paghatid ng serbisyo publiko sa kanilang mga nasasakupan, gayundin ang pagbigay ng nararapat na social welfare services, pagsulong sa ekonomiya, mga negosyo, at iba pang income-generating activities, at pagbabantay sa kalikasan.