November 15, 2024

Home SHOWBIZ Pelikula

Spoilers ng 'Hello, Love, Again' gustong 'saktan' ng netizens

Spoilers ng 'Hello, Love, Again' gustong 'saktan' ng netizens

Nanggagalaiti sa galit ang ilang netizens na hindi pa nakakapanood ng "Hello, Love, Again" dahil sa dami ng mga nag-uupload na video clip at larawan mula sa mga eksena ng nabanggit na sequel movie ng blockbuster hits na "Hello, Love, Goodbye" na pangalawa sa highest-grossing Filipino movie of all time matapos matalo ng "Rewind."

Ngayong Miyerkules, Nobyembre 13 ang pagsisimula ng showing ng pelikula sa mahigit 500 sinehan nationwide, at madaling-araw pa lamang ay dagsa na ang mga manonood dahil sa late night screening nito.

Sinaway naman ng mga netizen ang ilang "bida-bidang" content creators na nagpo-post ng video clips at photos habang nanonood sa loob ng sinehan, at ipinaalala sa kanilang labag sa batas ang kanilang ginagawa.

Ang iba, gusto nang "manakit" dahil sa pag-spoil nila sa palabas gayong marami pa ang hindi nakakapanood nito.

Pelikula

'Throwback Thursday' ni Joross sa cast ng HLA, pinusuan ng netizens

REPUBLIC ACT NO. 10088 o "ANTI-CAMCORDING ACT OF 2010"

Batay sa Republic Act No. 10088 o "Anti-Camcording Act of 2010," mahigpit na ipinagbabawal ang pagkuha ng video at larawan ng pelikula habang nanonood sa loob ng sinehan.

Batay sa Section 4 ng RA 10088, narito ang mga posibleng kaharaping penalties ng sinumang lalabag dito.

"A person who will be found guilty of violating the provisions of Section 3 shall be subject to a fine of Fifty thousand pesos (₱50,000.00) but not exceeding Seven hundred fifty thousand pesos (₱750,000.00) and imprisonment of six (6) months and one (1) day to six (6) years and one (1) day.

"If the purpose of the commission of the abovementioned acts is the sale, rental or other commercial distribution of a copy of the cinematographic or audiovisual work or its soundtrack, or any part thereof, the penalty shall be imposed in the maximum.

"If the offender is an alien, said person shall immediately be deported after payment of the fine and after serving his/her sentence. He/She shall thereafter be refused entry into the Philippines."

"If the offender is a government official or employee, the penalty shall include perpetual disqualification from public office and forfeiture of his/her right to vote and participate in any public election for a period of five (5) years."

Bago simulan ang aktuwal na panonood ng pelikula sa loob ng sinehan, karaniwang may paalala pa sa mga manonood patungkol sa Anti-Camcording Act of 2010.