November 22, 2024

Home BALITA National

Rep. Abante, naniniwalang may 'compassion' pa si FPRRD

Rep. Abante, naniniwalang may 'compassion' pa si FPRRD
Photo courtesy: screenshot from House of Representatives via Balita/Facebook

Inihayag ni Manila 6th District Rep. Bienvenido Abante na naniniwala pa rin daw siya kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa kabila raw ng mga salitang binibitawan nito, lalo na sa usapin ng pagpatay.

“Marami po ang bumoto sa inyo dahil naniniwala sa inyo. At marami pa, sa amin lang mga baptist, naniniwala pa rin sa inyo. Pero, kapag ganito na mga salita ninyo, eh medyo, hindi na po tama sa dating Pangulo na magsalita ng ganiyan,” ani Abante.

Dagdag pa ng naturang mambabatas, naniniwala pa rin daw siya na may “compassion” pa ang dating Pangulo.

“Sapagkat naniniwala po ako, na kahit sabihin po ninyo yung mga killing-killing, mayroon pa rin kayong compassion eh. ” anang mambabatas.

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

Iginiit niya, na ang pagsuporta daw ni Duterte sa hanay ng mga kapulisan at pagtulong pa rin daw niya sa mga nangangailangan ay maituturing daw na compassion.

“Tumutulong kayo sa ating kapulisan, tumutulong kayo sa mga nangangailangan. Mayroon pa rin kayong compassion,” saad ni Abante.

Isang simpleng sagot naman ang itinugon ni Duterte sa naturang pahayag ni Abante.

“Sir this world, there is evil and there is good. so, if you are a human being dito, you do so many things in life, mamili ka lang between the right and mali. So kapag pinili mo itong mali, you are bound by what you do in this life,” anang dating Pangulo.

Samantala, sinegunduhan naman ito ni Abante ng isang tanong kung alam daw ba ni Duterte na mali ang pagpatay.

“Di na ako papatay sir, retired na ako, hindi na ako mayor, ayaw ko na rin,” tahasang tugon ni FPRRD.

Matatandaang makailang ulit inamin ni FPRRD sa mga pagdinig ng war on drugs na inaako raw niya ang naging madugong patayan sa naturang kampanya at iginiit din umanong minsan na rin daw siyang pumatay ng mga kriminal.

Kate Garcia