December 27, 2024

Home BALITA National

Malacañang, handang makipag-ugnayan sa INTERPOL 'pag naglabas ng red notice kay FPRRD

Malacañang, handang makipag-ugnayan sa INTERPOL 'pag naglabas ng red notice kay FPRRD
Photo courtesy: Office of the President of the Philippines - Malacanang, INTERPOL HQ/Facebook

Hindi raw mangingimi ang Malacañang na makipag-ugnayan sa International Criminal Police Organization (INTERPOL) kapag naglabas na ito ng red notice para kay dating Pangulong Rodrigo Duterte. 

Sa kasagsagan ng pagdinig ng House Quad Committee nitong Miyerkules, Nobyembre 13, 2024, hinggil sa war on drugs ni FPRRD, naglabas ng pahayag ang Palasyo tungkol sa umano’y magiging tugon daw nito kung sakaling magkasundo raw ang International Criminal Court (ICC) at INTERPOL sa estado ng dating Pangulo.

“If the ICC refers the process to the Interpol,  which may then transmit a red notice to the Philippine authorities, the government will feel obliged to consider the red notice as a request to be honored, in which case the domestic law enforcement agencies shall be bound to accord full cooperation to the Interpol  pursuant to established protocols,” ani Executive Secretary Lucas Bersamin.

Bagama’t mapipilitan daw makipagtulungan ang Pilipinas sa magiging aksiyon ng INTERPOL, nilinaw ni Bersamin na hindi pa rin umano kinikilala ng bansa ang jurisdiction ng ICC sa bansa. Hindi rin daw nito pipigilan ang inisyatibo ni FPRRD na isuplong daw ang kaniyang sarili sa ICC.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

“If the former President desires to surrender himself to the jurisdiction of the ICC, the government will neither object to it nor move to block the fulfillment of his desire,” ani Bersamin.

Matatandaang tahasang sinabi ni Duterte sa naganap na Quad Comm hearing, Miyerkules, Nobyembre 13, na nakahanda raw siyang siuko ang sarili sa ICC.

Taong 2018 nang kumalas ang Pilipinas sa ICC noong administrasyon ni Duterte, habang makailang ulit na ring nabanggit ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos na hindi na raw babalik ang bansa mula sa naturang ahensya. 

Kate Garcia