January 22, 2025

Home BALITA National

Giit ni Romualdez: ‘AKAP’ tugon daw ng gobyerno sa pagtaas ng presyo ng bilihin

Giit ni Romualdez: ‘AKAP’ tugon daw ng gobyerno sa pagtaas ng presyo ng bilihin
Photo courtesy: Martin Romualdez/Facebook and pexels

Pinangunahan ni House Speaker Martin Romualdez ang pamimigay ng ayuda sa mga mall employees nitong Martes, Nobyembre 12.

Ayon sa ulat ng Manila Bulletin, tinatayang nasa ₱268.5M ang naipamahagi nina Romualdez para sa 53,000 mall employees.

Ang naturang pamamahagi ng ayuda ay alinsunod umano sa “Ayuda Para sa Kapos ang Kita Program” (AKAP) na siyang programa raw sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, upang matugunan daw ang epekto ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa mga nasa minimum wage earners. 

“Ang AKAP ay sagot ng ating gobyerno sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin at iba pang mga pangangailangan. Ito ay isang malaking tulong para sa ating mga kababayang hirap na hirap na itaguyod ang kanilang mga pamilya, lalo na ang mga minimum wage earners at low-income workers,” ani Romualdez sa panayam niya sa media. 

National

PH History, ibabalik na bilang subject sa high school?

Nasa ₱5,000 ang natanggap ng bawat empleyado na primaryang mula sa apat na branch ng SM Supermalls kagaya ng SM Mall of Asia, SM Megamall. SM North Edsa at SM Fairview.

Samantala, nagpasalamat din ang House Speaker sa lahat daw ng mga tumulong at sumuporta sa AKAP upang maisakatuparan daw nila ang naturang AKAP Mall tour.

“We are grateful for the overwhelming support we’ve received from the congressional offices and local government units. Their active participation has made the registration and implementation process efficient and effective,” anang House Speaker.

Nakatakda rin umanong mas mapalawig pa ang nasabing programa na naglalayon daw makarating din sa iba’t ibang malls ng bawat rehiyon sa bansa. 

Kate Garcia