January 22, 2025

Home BALITA National

Ex-pres. Duterte, hindi kilala si Atty. De Lima?

Ex-pres. Duterte, hindi kilala si Atty. De Lima?
Photo Courtesy: Santi San Juan/MB

Tila biglang pumalya ang memorya ni dating Pangulong Rodrigo Duterte nang tanungin siya ni Rep. Jinky Luistro kaugnay sa Laud Firing Range sa ginanap na pagdinig ng House Quad Committee nitong Miyerkules, Nobyembre 13.

Sa nasabing pagdinig, naungkat ang tungkol sa imbestigasyon ni dating Commission on Human Rights (CHR) Chairperson Atty. Leila De Lima noong 2009 sa nasabing lugar kung saan nakatagpo sila ng mga buto ng tao.

“Sorry, I do not know her [De Lima],” saad ni Duterte. “I’m aware of only one bond. Dala-dala ni [De Lima].”

Ngunit sa kabilang banda, sinabi ni Duterte na sa Laud Firing Range umano siya “nagpa-practice para pumatay ng tao.” 

National

Bagong kurikulum ng DepEd, ipatutupad sa S.Y. 2025-2026

Bukod dito, inamin din ng dating pangulo na kilala raw niya si Ben Laud na nagmamay-ari umano ng lupa.

“I think so. He’s a police man. Who owns the land where the firing range located,” aniya.

Matatandaang nagsampa ang administrasyong Duterte ng tatlong drug-related charges laban kay De Lima, na naging hayagang kritiko ng nangyaring war on drugs sa bansa.

Matapos ang mahigit anim na taong pagkakakulong dahil sa tatlong drug-related charges, ibinasura ng Muntinlupa City Regional Trial Court (RTC) ang ikatlo at huling kaso ng dating senadora noong Hunyo 2024.

MAKI-BALITA: Leila de Lima, pinawalang-sala sa huling drug case