December 22, 2024

Home BALITA

Cong. Fernandez, sinabihan si Abante na huwag intindihin komento ng 'DDS troll farms'

Cong. Fernandez, sinabihan si Abante na huwag intindihin komento ng 'DDS troll farms'
Photo courtesy: screenshot from House of Representatives/Facebook

Maagang pinayuhan ni Santa Rosa Lone District Representative Dan Fernandez si Manila 6th District Rep. Bienvenido Abante sa pagdinig ng House Quad Comm nitong Miyerkules, Nobyembre 13, kaugnay pa rin ng war on drugs sa administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa pagbibigay niya ng kaniyang opening remarks, isiningit ni Fernandez ang kaniyang mensahe  sa umano’y pamumutakti ng DDS trolls kay Abante.

“Huwag mong masyadong seryosohin yung mga bashers mo. As a matter of fact madami po talagang mga bashers, pero alam mo mga troll farms ‘yan eh, at huwag na lang po nating intindihin,” ani Fernandez.

Pagdidiin pa niya, mas mainam na huwag na lang daw magbasa ng mga komento si Abante mula sa bashers.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“Kung ayaw masaktan, huwag kang magbasa. I think we all know na marami naman talaga itong mga troll farms at ‘yan naman po talaga ang ginagamit na taktika against us all,” saad ni Fernandez.

Tila mabilis naman itong sinagot ni Abante na nabigyan ng dalawang minuto upang tumugon sa naturang mensahe ni Fernandez. 

“Alam mo talagang marami, pero hindi ko binabasa ‘yan, hindi ko ho inaalala ‘yan. Ilang boto ba ang ibinigay niyo [troll farms] sa former President? At sa botong ibinigay ng baptist community?” sagot ni Abante.

Matatandaang umabot ng halos 30 minuto ang opening remarks ni Abante sa pagsisimula ng naturang pagdinig, kung saan ilang ulit niyang iginiit ang suporta raw na kaniyang ibinigay para kay FPRRD at kung paano siya nakatatanggap ng mga umano’y paninira at pagmumura mula sa DDS troll farms.

MAKI-BALITA: Rep. Abante, naghimutok kay Ex-pres. Duterte tungkol sa naitulong ng Baptist community noong 2016 elections

Kate Garcia