November 22, 2024

Home BALITA National

Class disruptions sa CAR, umabot na sa 35!

Class disruptions sa CAR, umabot na sa 35!

Pinulong ni Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara ang National Management Committee (ManComm) upang humanap ng mga pamamaraan para masolusyunan ang learning losses sa mga paaralan dahil sa mga kanselasyon ng klase dahil sa mga bagyo. 

Ayon sa DepEd, sa kasalukuyang school year, nakapagtala na ang Cordillera Administrative Region (CAR) ng 35 class disruptions.

Anang DepEd, "This accounts for the highest number of school days lost mainly due to natural disasters and calamities. "

Ang iba pa namang rehiyon na matinding naapektuhan ng bagyo, kabilang ang Regions II, I, IV-A, at III, ay nakaranas ng tig- 29 class disruptions, na ang ilan ay bunsod ng human-induced hazards gaya ng mga insidente ng sunog.

National

Tinapyasang budget ng opisina ni VP Sara, ‘di na dapat baguhin – Sen. Risa

Samantala, nasa 239 paaralan rin sa buong bansa ang ikinukonsidera bilang “very high risk” na magkaroon ng higit pang learning losses dahil sa dalas ng natural hazards na naranasan doon at matinding pinsala, na nakaapekto sa 377,729 mag-aaral.

Bilang karagdagan, 4,771 paaralan na may 3,865,903 learners ang ikinakategorya bilang “high risk.” 

Ayon sa DepEd, isa sa mga interventions na ipatutupad ng ahensiya ay ang Dynamic Learning Program (DLP) upang matiyak ang tuluy-tuloy na pagkatuto ng mga estudynte, partikular na sa mga apektadong rehiyon.

Ang DLP ay maaaring ipatupad sa mga paaralan, bilang make-up classes at catch-up sessions sa temporary learning spaces. 

"The initiative features parallel classes, activity-based engagement, student portfolios, and a reduced homework policy," anang DepEd.

Ang DLP ay dinibelop ni Dr. Christopher Bernido, isang education advocate at Ramon Magsaysay Awardee, na present din sa ManComm meeting upang sumagot sa mga katanungan. 

Paniniguro ng DepEd,  "DLP is just one in the cascade of interventions to DepEd’s field offices.  DepEd’s partner Khan Academy also showcased their platform during the meeting. This aims to supplement the learners’ skills and knowledge, through the Khan PH’s online learning content."