January 23, 2025

Home BALITA

Budget ng OVP, aprub sa senado; mga senador, nagpa-pic kay VP Sara

Budget ng OVP, aprub sa senado; mga senador, nagpa-pic kay VP Sara
Photo courtesy: Senate PRIB via GMA Integrated News (FB)

Inaprubahan ng Senado ang 2025 budget ng Office of the Vice President (OVP) sa isinagawang budget hearing nitong Miyerkules, Nobyembre 13.

Personal na dinaluhan ni Vice President Sara Duterte ang pagdinig ng Senate finance commitee para sa ₱733-million budget ng OVP na inaprubahan naman sa loob ng 10 minuto.

Sa pagdinig, umapela si Senador Bong Go na sana ay maibalik sa orihinal na budget ang OVP dahil daw sa iba't ibang programang ginagawa ng opisina; iginiit din ni Go na ang pangalawang pangulo ay hindi "spare tire."

"Ang daming programa na pilit sinasama sa mga Unprogrammed Funds na hindi na po nagagamit, winawalis na po dahil hindi nagagamit 'yong pondo," ani Go.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

"Nananawagan po sana ako sa mga kasamahan natin dito na sana po madagdagan o maibalik ang pondo po na naaprubahan sa NEP for 2025. Para naman po makapagtrabaho nang maayos ang ating Bise Presidente na parte po ng Executive Branch of the government. Para naman meron tayong working Vice President at hindi lang po spare tire," aniya pa.

Pero giit ng chairperson ng komite na si Sen. Grace Poe, na-adopt lamang ng senado ang rekomendasyon ng House of Representatives dahil hindi nagpasa ng mga kinakailangang dokumento ang OVP, kahit ilang beses na silang nakipag-ugnayan sa kanila.

Sa kabilang banda, sinabi ni Poe na magkakaroon naman daw ng pondo para sa social programs ng OVP.

Pagkatapos ng hearing ay nagkaroon ng photo opportunity ang mga senador kay VP Sara.