Itinanggi raw ng aktor na si Archie Alemania ang mga akusasyon laban sa kaniya ng Kapuso singer-actress na si Rita Daniela, na kinasuhan siya ng act of lasciviousness.
Sa episode ng entertainment vlog na "Showbiz Now Na," sinabi ni Cristy Fermin na siya mismo ang nagtanong kay Archie, at itinanggi raw mismo ng aktor ang mga akusasyon laban sa kaniya ni Rita.
Hindi umano magagawa ni Archie ang mga bintang sa kaniya ni Rita batay sa sinumpaang salaysay nito, matapos niyang ihatid si Rita sa bahay nito matapos ang party ni Bea Alonzo sa bahay nito, para sa tagumpay ng "Widow's War."
Bagama't nag-disclaimer na si Cristy na hindi sila nambi-victim blaming, tutal naman daw ay inilatag na ni Rita ang kaniyang sinumpaang salaysay sa pamamagitan ng affidavit nang magsampa ng kaso, napapakuwestyon daw ang mga netizen kung bakit sumama pa siya kay Archie at pumayag na magpahatid sa bahay gayong "red flag" na ito sa bahay pa lang ni Bea.
Pero sinagot na rin ito ng legal counsel ni Rita, na kasama na rin sa affidavit ng kliyente, na pinagbigyan niya si Archie dahil walang malisya sa kaniya at parang "kuya" ang tingin niya rito.
Anyway, sa kuwento raw ni Archie ay sinabihan daw si Rita ng batikang aktres na si Jean Garcia na makipag-socialize naman sa kanila.
Lumapit pa raw si Rita kay Archie na noon ay umiiyak daw at sinabi sa kaniyang ayaw na niyang dumalo sa mga ganoong klaseng party dahil parang napagkakaisahan daw siya.
Giit daw ni Archie, sinabi niya kay Rita na hindi raw siya pinagkakaisahan at sinasabihan lang para matuto siyang maki-join sa kanila.
"So, ang tanong ni Archie, kung talagang binabastos ko siya ba’t siya sa akin lumapit para magsumbong,” sambit ni Cristy.
Tinawagan daw si Archie ng mismong abogado ni Rita na si Atty. Maggie Abraham-Garduque upang ipaalam ang gagawing legal na hakbang ni Rita laban sa kaniya. Agad daw itinanggi ni Archie ang mga kuwentong sinabi ni Rita.
Kaya naman, ikinakasa na ni Archie ang paglaban niya sa kaso ni Rita.
MAKI-BALITA: Rita Daniela, sinampahan ng kasong ‘acts of lasciviousness’ si Archie Alemania