December 23, 2024

Home BALITA National

Akbayan sa pagdalo ni FPRRD sa hearing: 'Asahan natin na iga-gaslight tayo'

Akbayan sa pagdalo ni FPRRD sa hearing: 'Asahan natin na iga-gaslight tayo'
PHOTO COURTESY: Akbayan/FB, House of Representatives/YT screenshot

Sinabi ni Akbayan Partylist Representative Perci Cendaña na hindi raw magagawa ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na lubusin ang Kongreso sa pagdalo nito sa pagdinig ng House Quad Committee ngayong Miyerkules, Nobyembre 13, hinggil sa madugong giyera kontra droga ng kaniyang administrasyon.

“Kung sinubukan niyang lusubin ang Senado, hindi niya ‘yan magagawa sa Kongreso. We’ll make sure to utilize the committee hearing to ferret out the truth,” saad ni Cerdaña.

“We hope to use his arrogance against him. Sa sobrang lasing niya sa kayabangan sa Senate hearing, hinukay niya ang sarili niyang libingan. His unrestrained display of bravado dug his own political grave,” dagdag pa niya.

Sinabi rin ng mambabatas na asahan na "iga-gaslight" ni Duterte ang mga tao upang makaiwas umano sa pananagutan.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

“Asahan natin na iga-gaslight tayo o sasabihin niya joke lang ang lahat ng kanyang pag-amin under oath para makaiwas siya sa pananagutan. But guess what? The joke’s on him. Justice is on his heels, and neither his antics nor his arrogance will derail the path toward truth and accountability," sabi pa ng Akbayan representative. 

Matatandaang nitong Martes, sinabi ni dating presidential spokesperson Salvador Panelo na pupunta si Duterte sa Batasang Pambansa upang komprontahin ang House quad committee ukol sa kinanselang pagdinig.

BASAHIN: Ex-Pres. Duterte, pupunta sa Kamara para komprontahin quad comm – Panelo