January 23, 2025

Home BALITA

44 pang OFW, nakabinbin pa rin sa death row

44 pang OFW, nakabinbin pa rin sa death row
Photo courtesy: Pexels

Kinumpirma ng Department of Migrant Workers (DMW) nitong Miyerkules ng madaling araw, Nobyembre 13, 2024 na nasa 44 pang mga Pilipino ang nakapila sa death row sa ibang bansa.

Naungkat ang naturang kumpirmasyon sa kasagsagan ng Senate plenary deliberation para sa proposed 2025 national budget noong Martes, Nobyembre 12, 2024 at inabot hanggang madaling araw nitong Miyerkules.

Ayon kina Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada at DMW budget sponsor Senator Joel Villanueva, kasalukuyang nasa 41 daw sa mga Overseas Filipino Workers (OFW) na nasa death row ay mula sa bansang Malaysia, habang dalawa ang nasa Brunei at isa ang nasa Saudi Arabia. Pawang drug-related at murder daw ang kaso ng mga ito.

Dagdag pa ni Villanueva, nakikipag-ugnayan na raw ang ahensya sa Malaysia tungkol sa kalagayan ng 41 OFWs na naroon.

National

Hontiveros, binuweltahan ‘budol’ remark ni Villanueva hinggil sa Adolescent Pregnancy Bill

“The [Migrant Workers Office] in Malaysia provided financial assistance to the workers and is regularly monitoring their conditions,” ani Villanueva.

Samantala, pansamantala raw na naantala ang pagsalang ng dalawang OFWs sa Brunei dahil sa “de facto moratorium” sa pagpapatupad ng death penalty na ipinatupad sa Southeast Asian countries.

“Both workers are regularly being visited by the department and being monitored by our Migrant Workers Office in Brunei. Their families were also assisted by the department during their compassionate visit to Brunei,” saad ni Villanueva.

Matatandaang noong Oktubre nang pumutok ang balitag isang Pinoy sa Saudi Arabia ang tuluyang nabitay dahil sa kasong murder.

KAUGNAY NA BALITA: Labi ng Pinoy na binitay sa Saudi Arabia, bawal iuwi sa Pilipinas; 9 na Pinoy nasa deathrow pa

Kate Garcia