December 09, 2024

Home SHOWBIZ

South Korean actor Song Jae-rim, pumanaw na

South Korean actor Song Jae-rim, pumanaw na
Photo courtesy: Song Jae-rim (IG)

Nalungkot ang fans sa balitang pumanaw na ang South Korean actor na si Song Jae-rim, sa gulang na 39. 

Ayon sa mga ulat, natagpuan umanong walang buhay ang 39-anyos na aktor sa isang apartment sa Seongdong District sa Seoul, South Korea, Martes ng hapon, Nobyembre 12.

Natagpuan din umano sa lugar ang isang liham na binubuo ng dalawang pahina. 

Hindi pa malinaw ang tunay na dahilan ng pagkamatay ng aktor at sinusuri pa kung may naganap na foul play. 

Tsika at Intriga

Valentine, dinogshow si Maris: 'Kailangan talaga OOTD si Sadness?'

Bukod sa pagiging aktor na kilala sa kaniyang roles sa K-dramas at variety shows, siya ay kilala rin bilang isang modelo,  Nagsimula siya bilang modelo bago tuluyang nag-shift sa pag-arte. Ang ilan sa mga pinakakilalang proyekto niya ay ang mga drama na "Moon Embracing the Sun," "Two Weeks" "Unkind Ladies," at "Queen Woo."

Nakilala siya nang husto dahil sa kanyang charm at chemistry kasama ang aktres na si Kim So-eun sa reality-variety show na "We Got Married," kung saan sila ay naging "virtual couple" at naging popular sa mga manonood dahil sa kanilang natural na interaction at sweet moments.

Bukod sa pag-arte at pagmomodelo, kilala rin siya sa pagkakaroon ng malalim na boses, kaya may kakayahan din siya sa pag-awit.