November 14, 2024

Home BALITA National

Royina Garma, arestado sa California – DOJ

Royina Garma, arestado sa California – DOJ
Retired police colonel Royina Garma (file photo)

Matapos maiulat na nakaalis na ng Pilipinas, kinumpirma ng Department of Justice (DOJ) nitong Martes, Nobyembre 12, na naaresto si retired police colonel Royina Garma sa San Francisco, California sa United States.

Sa isang pahayag, binanggit ni DOJ spokesperson Mico Clavano ang ulat ng Philippine National Police (PNP) at Department of Interior and Local Government (DILG) kung saan naaresto at naditine umano si Garma at kaniyang anak na si Angelica Garma Vilela sa San Francisco noong Nobyembre 7.

Inatasan naman na raw ni DOJ Secretary Boying Remulla si Bureau of Immigration (BI) commissioner Joel Viado na pangasiwaan ang pagpapabalik kay Garma sa Pilipinas.

“We are committed to seeing justice served in every case and to upholding the integrity of our justice system, especially when it involves our country's significant issues and concerns,” ani Remulla.

National

Magnitude 4.3 na lindol, tumama sa Davao Occidental

“While we work to ensure the safe return of Ms. Garma, we trust that she will remain cooperative with all ongoing investigations,” dagdag pa niya.

Matatandaang sa naging pagdinig ng House quad committee noong Oktubre 11, emosyonal na ipinahayag ni Garma na iniutos umano ni Duterte ang pag-aalok ng reward para sa Oplan Tokhang sa bansa, na kapareho raw ng “template” sa Davao.

“The Davao Model involves three levels of payment of rewards. First is the reward if the suspect is killed. Second is the funding of planned operations, and the third is the refund of operational expenses,” pahayag ni Garma.

MAKI-BALITA: Ex-Pres. Duterte, nag-offer ng reward para sa drug war killings — Garma

Pinabulaanan naman ito ni Duterte sa isang panayam noong Oktubre 19, at sinabing ang tanging recognition lamang daw na inaalok niya sa mga pulis ay ang pagkain nila sa restaurant at “dalawang boteng scotch.”

MAKI-BALITA: Ex-Pres. Duterte, itinangging nag-alok ng ‘cash rewards’ para sa drug war