November 21, 2024

Home BALITA National

PBBM, kumpiyansang 'di magbabago relasyon ng Pinas at US

PBBM, kumpiyansang 'di magbabago relasyon ng Pinas at US
PHOTOS COURTESY: PBBM (MB file photo), Donald Trump (Facebook)

Kumpiyansa si Pangulong Bongbong Marcos, Jr. na hindi magbabago ang relasyon ng Pilipinas at Estados Unidos matapos manalo ni Donald Trump sa US Presidential elections kamakailan. 

Sa isang panayam sa media nitong Lunes ng gabi, Nobyembre 11, itinanong kay Marcos ang tungkol sa relasyon ng Pilipinas at Estados Unidos.

"I don’t think it will change," anang pangulo.

Dagdag pa niya, "You know, the global forces that are–and you know, they are our oldest treaty–treaty partner, that doesn’t change."

National

Tinapyasang budget ng opisina ni VP Sara, ‘di na dapat baguhin – Sen. Risa

Matatandaang binati ni Marcos si Trump sa pagkapanalo nito sa US Presidential elections, kung saan inaasahan din niya na magkakaroon sila ng pagkakataong magkatrabaho ni Trump.

“We look forward to working with President Trump on a wide range of issues that will yield mutual benefits for two nations with deep ties, shared beliefs, a common vision, and a long history of working together.” anang Pangulo.

Umaasa rin daw si Marcos na mas mapapatibay pa ang alyansa ng bansa at Amerika sa ilalim ng muling pamumuno ni Trump, lalo na’t pareho daw sila ng mga "ideals" pagdating sa bansa, gaya ng kalayaan at demokrasya.

BASAHIN:  PBBM, 'looking forward' na makatrabaho si Donald Trump